Thursday, November 12, 2009

Ecstasy

"ano ba ginagawa ng ecstasy sa katawan?" tanong ko sa isang kaibigan. sabi niya pamparelax daw. sabi ko naman, "bakit pamparelax? eh di ba iyun ang ginagamit ng mga party-goers para mas lalo silang mag-ienjoy sa party?" tanong ko ulit. sabi niya ulit, "nagpapa increase kasi ng sensation iyun." napaisip ako. "pero di ka titigasan. so u need viagra." pahabol niya. ano?

walanghiya. ecstasy, tapos viagra? multiple drug use na posibleng multiple drug addiction. isa pa. di ba mahal mga iyun?

huy! huwag muna kayong manghusga! wala akong planong gumamit ng alin man doon. na-curious lang ako dahil sa ikinuwento sa akin ng isang online friend na nagkaroon ng sex encounter sa dalawang celebrities. sabi niya bago daw sila mag-orgy, nagtake daw iyung mga celebs ng ecstasy. medyo nagtataka lang ako bakit ecstasy ang ininom kasi ang alam ko sa mga sayawan lang ginagamit iyun. oo na, naive na ako. putragis.

nabanggit ko ang curiosity. alam ko na it kills the cat kaya di ko naman isasatisfy ang curiosity ko anu? marijuana nga di ko sinubukan eh. kahit yosi nga, di ko ginagawa. ang punto ko lang naman, bakit kailangan gumamit ng mga droga na ganoon? wala bang kakayahan ang isang tao na gawin ang isang karaniwang bagay sa natural o normal na pamamaraan? maliban sa mahal ang mga gamot na iyun, nagkakaroon pa ng addiction ang isang tao.

kunsabagay, kanya-kanyang trip nga lang talaga. iyung iba naman napapagaya lang sa uso. kung ikaw na mahilig gumimik sa isang lugar na expose sa drug traffic, di mo maiiwasan na makaka-encounter ng mga ganyang gawain kahit pa man na sabihin mo na may self-control ka. pag naka-inom ang tao at napasukan na ng ispiritu ng alak, lahat posibleng mangyari. marahil puwede din natin tingnan kung gaano ka-secure ang taong gumagamit ng mga ganitong droga. kapag insecure ang tao, kadalasan gumagawa siya ng paraan para matugunan ang kakulangan niya. kung nakikita niya na iyung paggamit ng droga ay isang sagot sa kanyang kahinaan, malaking posibilidad na gagamit siya nito at isa pa, madali lang din naman ang access dito.

hindi ko kayang husgahan ang mga tao na gumagamit ng ecstasy. hindi ko masasabi na nakakasama ito o nakakabuti. marahil ang makakasagot lang nito ay ang mga tao na gumagamit nito o di kaya ang mga tao na nakapaligid sa mga gumagamit. ikaw ba?

Friday, October 30, 2009

Shrink

walanghiya, nabiktima na naman ako. parati na lang nangyayari ito. akala ko pa naman ay malaking tulong ang magagawa niya dahil sa madadagdagan ang oras ko sa mga raket at pasarap sa buhay. bakit lumiit na naman? low profile pa naman ako. ayokong mahalata ang tinatago ko.

bakit ba lumiliit ang mga damit pag nagpapa-laundry ako? di naman ganoon ka-mumurahin mga damit ko ah. may brand naman. ok lang sana kung galing sa surplus, ok lang lumiit. dahil ba sa dryer kaya lumiliit ang damit o sadyang nasa tela? madami-dami na rin akong damit na lumiit dahil sa pagpapa-laundry ko. tamang-tama nga lang ang sukat ng mga damit ko eh, mababawasan pa ang haba. kaya ayun, litaw ang tiyan ko pag nakataas kamay ko sa bus at MRT. buti na lang may abs kaya walang pipintas. hehehe

oo nga pala. di pala puwede na di ako mag-underwear pag suot-suot ko ang mga lumiit ko na shirts. kasi pag nagkataon, mabubosohan ako. buti sana kung may k ang sisilip, hahayaan ko na lang. dapat maingat ako sa pagsuot ng underwear. dapat iyung hindi kupas na boxers o di kaya nagbi-bacon na brief. maglilinis na rin ako ng pusod para di naman nakakahiya sa mg tumitingin. grabe naman, malaking problema talaga ito. hindi naman puwede na di ko na gagamitin ang mga damit na umiksi. sayang, wala pa akong pagmamanahan. nine years old pa lang ang bunso namin.

siguro the best na gagawin ay di na ako magpapalaba. o di kaya, bibili ako ng one size bigger para pag malabhan, tamang-tama na ang sukat. kaya lang di ko naman kabisado kung aling mga tela ang lumiliit pag nada-dryer. hmmm... siguro kung anu meron, magtiyaga na lang. total ako iyung tao na madaling makapag-adapt.

Wednesday, September 30, 2009

In Case of Emergency

Sabi ko noon sa aking sarili na dapat meron akong SOP o standard operating procedure pag merong emergency tulad ng sunog, baha o alien invasion (hehehe). Dahil sa di ko naman kasama ang aking pamilya at ang mga kasamahan ko sa bahay ay mga able-bodied naman ibig sabihin ay meron akong oras na paghandaan ang napipintong panganib. Kaya meron akong nakalista sa aking isipan ng mga bagay na dapat dalhin o isalba.

Damit. Hindi ito ibig sabihin na magdadala ako ng isang bagaheng damit. Magpapalit lang ako ng maayos na damit: pantalon, t-shirt, at rubber shoes. Tingin ko kasi, proteksiyon din ang mga ito sa mga bagay na puwedeng makakasugat sa aking katawan at mga insekto at maliliit na hayop na puwedeng pumeste sa akin. Pangontra din ito sa lamig at init. At siyempre naman, kung sakaling malasin ka, disente kang matagpuan ng mga sasaklolo sa iyo.

Wallet. Nandoon kaya sa wallet ko ang ATM card, credit card, id, prayer booklet, litrato na litaw ang ***, medical card, at kaunting cash. Kahit paano, magagamit ko ang mga iyun kung sakaling meron pang sibilisasyon pagkatapos ng kaguluhan o sakuna.

Cellphone. Kailangan ito para sa komunikasyon. Malay mo, may mga taong makakatulong sa akin pag kinakailangan ko na ng back-up. Kailangan ko rin ito para puwede ko makontak o puwede ako kontakin ng aking pamilya at mga kaibigan. Magsisilbi din siyang libangan.

Swiss knife. Napakahalaga din ito sa akin kahit fake lang ito. (Sino kaya puwedeng mag regalo sa akin ng orig? Hehehe) Maliban sa knife ob kors, meron kasi siyang pangbukas ng de lata at cork, flat at Philips screw drivers, toothpick, tweezer, at gunting. Marami itong paggamitan kaya dapat di siya makakalimutan dalhin.

Yantok. Iyun ba ang ginagamit na arnis? Basta iyun. Puwede ring katana kung meron o di kaya kahit anong stick. Bakit kamo? Kasi baka meron akong makakalaban along the way. Mabuti na iyung laging handa. Puwede ko rin siyang gamiting recon devise kung sakaling may mga “booby traps” akong suspetsa sa aking madadaanan.

Bag. Hindi kalakihan, dapat tamang-tama lang ang size. Puwede na akong magsaksak ng dalawa pang t-shirt o sando at isang pares ng medyas. Magdadala na rin ako ng sombrero at bandana na kulay puti, itim, at pula. Hindi ko na kailangan ng brief, para talagang pang commando. Magdadala na din ako ng lubid, lighter/posporo, zip bags, alcohol. Dapat di mapupuno ang bag kasi puwede ko siyang mapaglagyan ng kung ano anong mahalagang bagay na makikita ko sa daan.

Last but not the least, pag kumpleto na ang mga dadalhin, hihilahin ko na ang partner ko. Siyempre naman kailangan ng buddy-buddy system sa mga sitwasyon na ganyan. Kailangan may tumitingin sa likod mo.

Ang paghahanda na ganito dapat maisagawa in less than 5 minutes. Kapag lumagpas na, di ka na makakadagdag ng mga dadalhin pa tulad ng laptop, ipod, PSP, portable dvd player, usb, at iba pang mga gadgets. Dapat mabilis talaga kumilos dahil mahalaga ang bawat oras.

Iyan ang mga bagay na sa tingin ko ay mga mahalaga para di ako malagay sa alanganin sa pagharap sa kahit ano mang emerhensiya na posibleng gumanap. Pero malaki ang aking pagdadasal na sana di dumating ang mga ganitong pangyayari sa aking buhay at kung dumating man ay sana magkaroon ako ng listong pag-iisip at wastong kahandaan.

Monday, September 14, 2009

Superhero

Si Trip may sakit? Isang malaking himala! Hindi naman ako si superman para di magkasakit pero kapag may makakarinig sa mga nakakakilala sa akin na meron akong sakit, hindi sila makakapaniwala. Kahit pa iyung boss ko, nag text sa akin, “Maniwala ako sa iyo.” Mabuti na lang may smiley sa dulo kasi kung wala baka masusungitan ko siya.

Maraming naniniwala na isa akong napakalusog na tao. Paano naman kasi masyado akong health freak. Naggigym ng regular, nagbabadminton ng anim na oras na tuloy-tuloy at sumasali lagi sa mga patakbo sa kalakhang maynila. Hindi ako umaayaw sa mga pangkalakasan na mga gawain. Kung sa pagkain naman kahit na kinakain ko lahat ng nasa hapag kainan, iniiwasan ko naman ang taba o mamantika, maaalat at matatamis. Hindi rin ako naninigarilyo at madalas mag-iinom ng alak. Sabihin na nating ako ay isa sa mga tagasunod ng “healthy lifestyle”, pero hindi ibig sabihin na hindi ako nagkakasakit.

Isa sa mga dahilan kung bakit ako nagkakasakit ay ang pag-aabuso sa katawan. Sinu ba naman ang hindi magkakasakit pag nagbabadmindton ka ng anim na oras pagkatapos mong tumakbo ng mga walong kilometro at mag-gym. Dagdagan pa ng puyat ng nakaraang gabi dahil sa despedida ng isang kaibigan. Siguro, sabi ng katawan ko, “Aba, inaabuso na naman ako ah. Makapag-protesta na nga para maipagpahinga naman itong katawan na to.” Ayun, ipinaramdam na sa akin ng aking katawan ang kanyang protesta. Nagkaroon ako ng pananakit ng katawan, lagnat at sipon. Pero di ko pa rin inalintana ang aking nararamdaman at pumasok pa rin sa trabaho. Sa kalaunan, isinuko ko ang aking pride at nagpahinga ng isang araw.

Kapag nagkakasakit, malimit nating gagawin ang uminom ng gamut. Ako hindi. Hinahayaan ko munang ang sarili kong sistema ang magpapagaling sa akin. Mahal kaya ang mga gamot na iyan. Ang ginagawa ko na lang ay kumain ng tama. Mas maraming prutas, maraming tubig, mainit na sabaw ng tinola o kahit na anong mainit na sabaw na may maraming luya at bawang, at maraming oras ng tulog. Salamat naman, sa awa ng maykapal, hindi tumatagal ang aking sakit. Siguro malaking tulong din ang aking “lifestyle” sa madaliang pag-galing ng aking karamdaman.

Malaki ang aking paniniwala na may sariling likas na kakayahan ang ating mga katawan, kaalinsabay ng mga natural at praktikal na pamamaraan, sa pagsugpo sa sakit. Ito marahil ang dahilan kung bakit di ko sinasanay ang aking katawan sa mga gamot na nabibili sa botika. Naniniwala ako na kung ang bawat isa ay sumusunod sa wastong pamumuhay, atin maiiwasan ang mga sakit. Isasaisip natin lagi na huwag abusuhin ang katawan at iwasan ang mga kaugalian na di naaayon sa tamang pangangalaga sa sarili. Iwasan ang sigarilyo, alak, at puyat. Tamang pagkain at ehersisyo. Di natin kailang ang sandamakmak na mga supplements para magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan.

Nang sumunod na araw, nang sumipot ako sa laro namin, kinumusta ako ng aming mga kalaro. “Anong sakit? Press release ko lang iyun.” Ang aking sagot na may halong ngiti. Hindi ko na siniseryoso ang mga tanong nila dahil hahaba lang ang kuwentuhan at sigurado ako na ang iba sa kanila ay hindi naman maniniwala sa akin. Paano, akala kasi nila ako ay isang superhero.

Tuesday, September 1, 2009

Officially Nominated

Nakatanggap na ako ng email mula sa Philippine Blog Awards 2009. Sabi nila official nominee na daw iyung Platonic Trip ko na blog. Siempre natuwa naman ako dahil nakapasa ako sa qualifying criteria ng awarding body sa Personal Blog category. Pero nakapagtataka kung bakit di ako nakatanggap ng verification para sa Just for the Trip ko na blog.

“Bastos kasi.” Iyan ang sabi ng kaibigan ko sa napakalayong lugar. “Bastos? Eh hindi ko naman isinali ang just4 ko na blog sa personal ah. Isinali ko iyun sa Best Design category.” Sagot ko sa kanya.

Well, dalawang explanation lang iyan. Either na napapangitan sila sa design template ko o di kaya sinilip nila ang content ng blog ko na iyun. Kung iyung una ang rason, bakit sila huhusga sa nomination pa lang. Di ba dapat sa preliminary judging papuntang semi-finals pa iyun? At kung iyung panghuli naman ang rason, dapat inaalala nila na nasa ibang kategorya yun.

Seriously speaking, the awarding body should have detailed their qualifying criteria before accepting nominations. They should have iterated that any adult content will automatically disqualify a nominee. In addition, they should be strict with their categories. If the category is on design, they should focus on what the category is asking for and not put any other criteria specifically discriminating those that have adult content.

“Bakit ka pa sumali doon?” Tanong ng kaibigan. “Para ma-increase ang traffic sa site ko tapos para ma-share ko ang ka-weirdohan ng aking pag-iisip.” Ang aking sagot sa kanya. Marahil gusto ko rin iparating sa malawak na audience ang mga nakakaibang pananaw sa mga isyung ating nararanasan.

“Baka di mo pa oras mapasali doon.” Sabi na naman ng aking kaibigan. Sus, may pa oras-oras pa.

   


Add to Technorati Favorites