Thursday, June 23, 2011

Protect Yourself

kaninang umaga meron akong kakaibang napansin sa bus stop sa may buendia. nang ibinaba na ng bus na sinasakyan namin ang kanyang pasahero, kapansin-pansin ang pag-akyat ng ilang kalalakihan. mabuti sana kung sabay sabay nagsi-akyatan ito pero hindi. sa kahabaan ng bus stop, isa-isa silang nagpapara at umakyat. mayat maya lang napansin ko ang konduktor na tumabi sa driver.

"may mga mandurukot na umakyat." sabi ng konduktor. siguro napansin ng konduktor na narinig ko ang sinabi niya sa driver dahil sa nasa harapan ako naka-upo kaya lumingon siya sa akin at tumango sa akin. "mga mandurukot." ibinulong ko sa aking kasamahan ang aking nalaman.

lumingon ako sa mga bagong akyat na pasahero. iyun na siguro ang dahilan kung bakit may kakaiba akong napansin sa mga pumara. kung titingnan sila para naman silang mga ordinaryong pasahero na babalewalain mo lang. umupo sila na hiwa-hiwalay at may nakita akong sa likod ng driver. siya lamang ang may dalang bag. naisip ko, may kakayahan kayang sabihin ng konduktor o driver na merong umakyat na mandurukot sa bus nila?

kung titingnan nating mabuti, kilala ng mga driver at konduktor ang mga mandurukot na sumasakay sa kanila. sa araw-araw ba nilang pamamasada madali na nilang mahiwalay ang mga halang ang kaluluwa at sa hindi. ilang beses na ba nilang naranasan na nagkaroon ng insidente ng pandurukot sa kanilang bus para di nila kayang kilatisin ang mga pasahero nila. minsan nga, nasasabi pa natin na meron silang sabwatan. pero babalikan natin ang tanong kung kaya ba nila gumawa ng babala sa kanilang pasahero na mag-ingat sa mga mandurukot na nakasakay sa bus nila.

lahat tayo ay may responsibilidad sa ating kapwa. kung meron tayong nakikitang nangangailangan ng tulong sa kalye, nandoon ang tinatawag na "social responsibility". lahat tayo ay may kakayahang tumulong kahit sa anong paraan. ang problema lang, inuuna muna natin ang sariling kapakanan bago ang iba. kung nakikita natin na tayo ang malalagay sa kapahamakan, umiiwas tayo sa responsibilidad. mali ba ito? marahi. pero, iisipin natin na ito ang pinaka-mainam at praktikal na gawain kesa sa isugal natin ang pansarili nating kaligtasan.

walang ginawang babala ang konduktor o driver sa mga pasahero hanggat sa bumaba kami sa ayala. kung sa anong dahilan, hindi ko alam. ang masasabi ko lang, hindi natin puwedeng ibigay sa kaninuman ang responsibilidad ng ating sariling kaligtasan. alam na natin na marahas ang mundong ating ginagalawan kaya dapat alam natin kung paano ang magiging maingat.

2 comments:

Mikel said...

sadya nga bang sakim na kaya ang mga Pilipino? :/

Anonymous said...

Ganyan ngyare sa kin ng sumakay ako sa my Shell-Emerald ave ng bus going Cainta. siniksik ako ng 5-6 na mga lalaki tapos bgla silang nagsipara sa may fontera verde gumawa ng eksena un nsa harap ko na akala ko pinulikat or naipit yun sintas ng sapatos sign na pala un na gingawan na ako ng kagaguhan at nadukot na cp ko saka sila nagmadali makababa. Nagreact na lang mga tao na bat ganun un mga un na kesyu bakamandurukot nga daw at bgla ko kinapa cp ko and un na ako pala ang biktima. tanging nasabi lang ng konduktor ay

Followers

Popular Posts



Add to Technorati Favorites