Friday, April 8, 2011

True Beauty

meron kaming napapanood na reality tv show ngayon sa velvet channel, iyun ay ang "true beauty". siyempre sa title pa lang malalaman mo na kung ano ang mai-expect sa mga kontestant. kelangan magaganda at makikisig sila. ang "makisig" ba ibig sabihin ay guwapo? well, basta guwapa at guwapo mga kontestant doon. hehehe. kaso may twist ang show. hindi lang outer beauty ang hinuhusgahan pero pati na rin ang inner beauty.

para malaman ang inner beauty ng mga kontestant, merong mga hidden camera sa mga lugar na kung saan nandoon din ang mga kontestant. dahil dito nakikita talaga ng mga judges at manonood kung paano makisama sa kanilang kapwa ang mga kontestant. makikita kung paano nila lalaitin ang kapwang kontestant sa likuran ng mga ito at kung paano nila malampasan ang mga pagsubok sa kanilang mga kaugalian.

sa hulihan ng episode, mamimili sila ng dalawang kontestant na hindi pumasa at mahina ang performance sa mga tasks at ang dalawang ito ay magkakaroon ng faceoff. sa faceoff challenge nagkakaroon ng scripted situation na kelangan mag-interact ng dalawang nagpi-faceoff. iyung last na napanood namin ay iyung isang guest sa hotel na lasing ang magmamaneho ng kotse. bawal ang magmaneho ng lasing kaya iti-test ang mga kontestant kung pipigilan ba nila iyung lasing na guest ng hotel na magmaneho o hindi. isa sa dalawang kontestant ang matagumpay na napigilan ang pagmamaneho ng lasing at iyung isa na hindi pumigil ay iyung natanggal.

ang ugaling pag-aalala sa kapwa ang hinuhusgahan dito. isang mahirap na challenge kung tutuusin pero kung ikaw ay isang tao na talagang may pag-alala sa kapwa, likas mo na pipigilan ang taong iyun. pero kung ikaw naman ay walang paki-alam, ipagkibit-balikat mo lang ang iyung nasasaksihan. ako kaya?

sa mga nakakakilala na sa ugali ko, marahil sasabihin nila na di ko kaya iyun. palagay ko, tama nga sila. kung ako ang nasa sitwasyon, ijujustify ko na ang responsibilad na huwag magdrive pag lasing ay nasa tao mismo. kung wala siyang papahalaga sa sarili, bakit bigyan mo siya ng pag-alala. ang susunod na may responsibilidad ay iyung valet ng hotel. dapat siya mismo ang pumigil sa guest nila na lasing. ang mali lang doon sa isang kontestant na di pumigil sa lasing na guest ay iyung ginawa niyang pangungutya. para ini-imitate pa niya ang pa-ekis ekis na lasing at pinagtatawanan nila ng valet. iyun din siguro ang nagpadagdag sa bloopers niya.

sa akin lang, realistic ako sa pagtulong ng tao. sabihin na nilang masama akong tao, pero pag di ko nakita ang urgency o di ko nakita ang worthiness ng pagtulong, magdadalawang isip talaga ako.

4 comments:

Toilet Thoughts said...

di ko mapigilan, pakidefine ung "worthiness" ng pagtulong?

Do you help out only when it is "worthy?"
- like there is something good coming out of it?
- like it should be of a good cause? (syempre you wouldn't help someone if it's for a bad thing)
- like there is something good that the one helping and the one being helped will be getting?

curious lang po, what is worthy of your help?

JapaneseAdobo said...

tama!!!i love this post coz i also watch that show, and most of it ndi ako agree pero nakakatuwa sila panuorin

Matt said...

funny. while i was reading your post, i was downloading true beauty season 2, hahahaha.

DN said...

hahaha. nakakatawa ang show na 'yan!!!

Followers

Popular Posts



Add to Technorati Favorites