Halo-halo: Tae at Ayala
free writing na lang ulit. wala kasi akong maisip na magandang topic para maisulat dito sa eccentrip blog ko. siguro kasi wala naman talaga akong kaweirdohan na naiisip. kahapon nga balak kong magsulat tungkol sa tae at yosi. paano naman kasi pumasok ako sa aming cr dito sa trabaho at merong umi-ebs. umi-ebs na nga, nagyoyosi pa. naiisip ko mas ok pa sa akin ang amoy ng tae kesa sa amoy ng yosi. kaso di ko naman naisulat dahil kapag naisulat ko baka sabihin naman ng mga kaibigan ko na nagyoyosi na mas gusto ko silang umi-ebak na lang lagi kesa nagyoyosi sila. mawawalan pa ako ng kaibigan. pero teka, bakit ko sinusulat ngayon? wala din. peace tayo mga nagyoyosing kaibigan. alam ko naman di kayo nagyoyosi sa harap ko kasi mga responsableng maninigarilyo kayo. :)
---
sarado daw ang canteen sa baba. alas-tres pa lang ah nagsara na. siguro naka-quota na sila. pero paano naman kami? gutom na kami eh. ang layo-layo pa naman ng pinagtatarabahuan namin sa kabihasnan.
---
salamat at may pumasok na trabaho dahil kung wala baka wala akong maisulat sa aking working journal. ang pangit kasi na walang ginagawang opisyal na trabaho sa buong maghapon. di ko pala ipinost sa aming website ang isang internal na affairs. eh bakit ko naman ipopost iyun eh di naman ka-significant ang event na iyun para sa publiko. iyan ang mahirap sa mga tao, kung wala namang kahalagahan masyado ang isang bagay sa buong mundo dapat huwag ng ikalat. baka mahanapan ka pa ng butas eh maintriga ka pa.
---
katatapos ko lang mag research tungkol sa parkuor. wala akong masabi kundi "clay, gusto ko iyan." ito iyung klaseng physical challenge na nararapat sa akin kasi masyadong marami ang nakaipon na adrenalin sa aking katawan. kelangang mailabas. nang makita ko iyung ka-housemate ko sa mg picture ng mga nagpa-practice ng parkour, naisip ko "aba, tatahitahimik lang pero walanghiya pala ang pinag-kakaabalahan." inggit naman ako. kelangan ko talaga na masubukan iyan.
sabi ko sa kaopisina ko. "alam mo, matagal na rin pala akong nagpapapractice ng parkour kasi sa tuwing nakikita ko ang mga nakaharang na mga obstacle ng MMDA sa edsa eh gustong gusto kong talunin." iyan marahil ang dahilan kung bakit ako nahuli ng jaywalking noon. hehehe.
si jacky chan pala, nagpaparkour din. tagal na niyang ginagawa to ah. idol ko siya kaya malamang magiging tulad di ako niya. hehehe.
---
bukas pala, punta ng batangas. second time ko pa lang makapunta sa probinsiya na iyan. last year pumunta kami ng laiya kasama naman iyung mga ka-isports ko. summer outing at madaming nangyari. ngayon kaya, maging memorable din ang pagpunta namin doon? kelangan ko madala ang camera ko para pag may magandang location, photoshoot agad. di na kelangan ng mga damit o costume at make-up na tulad ng pinaggagawa ng ibang photographers. maganda pa rin ang "au naturel". hubadan na lang. maliban sa sarili ko, sino kaya ang magandang model? hehehe
---
meron palang meryenda. kadadating lang. nag-treat iyung pinakamahirap sa mga ka-opismeyt ko. uy, mahirap lang iyun sa pera pero sa kalooban napakayaman niya. kung hindi ba naman eh, magtitreat ba iyun? common sense lang. hehehe
TARA kain tayo! (hindi PILIPINAS Tara!)
---
pahabol lang. nabasa ko iyung tungkol sa "anti-poor" poster posted sa greenbelt na isa sa mga malls ng mga ayala. well sabi ng ayala siyempre di totoo iyun o prank lang iyun. hmmm... ipagpalagay natin na di sila ang gumawa ng poster pero ang tanong, "anti-poor" ba sila. di lang ako sure pero eto ay isang first hand experience.
hindi ako pinapasok na nakasando at tsinelas sa isa sa mga malls nila. siyempre nag-inet ulo ko. galing ako ng swimming so ano inaasahan nila? nakabalat ako at nakapolo? tinanong ko kung bakit? regulation lang daw. gusto ko magmura pero ayoko. ang lalaki as in malalaki ang mga guards doon. ang ginawa ko, nag-abang ako ng ibang kustomer sa loob ng mall na nakasando at tsinelas at sinuwerte naman ako dahil meron. dalawa pa. isang babae at isang foreigner. itinuro ko sa guard iyung nakita ko. sabi ng guard, "sir, sa carpark kasi sila galing". tang'na, dahil nakakotse sila kaya puwede sila pumasok?
kayo ng maghusga sa kanila!
sigurado ako iyung gumawa ng poster ay isa sa mga katulad ko na biniktima nila ng diskriminasyon. dapat i-secure nila mga website nila dahil di malayo na iyun ang aatakehin ng mga binibiktima nila.
buti pa ang SM. libre naman diyan... hahaha


0 comments:
Post a Comment