Thursday, January 20, 2011

Kenny

natatangi daw ako sa (halos) lahat ng ilonggo dahil ako lang daw ang hindi malambing. wala daw akong ka-sweet sweet sa katawan. kahit daw magsalita ako, masyadong matapang at masungit. pero di ako naniniwala sa kanila dahil ang alam ko malambing ako. di lang nila alam iyun. hehehe

noong nakaraang linggo, merong selebrasyon sa amin. meron kasing magbibertdey sa isa sa aming hawsmate at meron ding magpapadespidida. dahil sa ako ay isang oc, kelangan ko maglinis. kaya buong sabado naglinis ako ng aming kuwarto (madalas nagiging ekstensiyon ng aming sala pag may parti) at ng sala. pero naisip ko na masyado yata akong martir para sa ibang tao (di ba sweet na iyan?) kaya naisip ko na karapat-dapat lang na tumulong sa paglilinis ang mga magsisilebreyt. alam ko na kung ano ang ipapalinis ko, ang kubeta.

ng dumating ang magpapa-despidida na si kenny, sinabihan ko siya kung baka gusto niyang maglinis ng kubeta dahil naipaglinis ko na sila ng kuwarto (rumeyt ko siya) at sala. sinabi naman niyang oo kaya di na ako naglinis ng kubeta. nakita ko siyang nagtanggal ng damit kaso hindi damit pangbahay kundi panlakad. damuho at aalis pala ulit. hindi ko na siya sinita muna dahil meron pa namang buong araw ng linggo para maglinis kasi gabi naman iyung parti.

dumating ang linggo. hindi umuwi ng gabi si kenny (may buking yata. hehehe) pero umaasa ako na dumating siya ng umaga. clay talaga, inabot siya ng hapon ng dumating. dito ko na siya pinaalalahanan ng kanyang pangakong maglinis. dito nagsimula ang drama. kesyo daw di siya pinaglilinis ng kanyang mga magulang. kesyo daw pag pinaglilinis daw ng kubeta sa kanila ay isang matinding parusa daw iyun. dami satsat. di ko inintindi ang drama. ako pa, masyado kong pinahahalagahan ang mga salita ng tao. sinabi ko na "nangako kang maglinis, maglinis ka!" ayun nagimbal ko yata kaya sabi niya na mangiyak-ngiyak na "turuan mo na lang ako". parang umiistayl pa yata ang kumag. sige, pagbigyan. ipinagtimpla ko siya ng panlinis na magkahalong sabong panlaba, klenser na ajax (plaging ba iyan?), zonrox at tubig siyempre. sinabi ko sa kanya kung anong klaseng brush ang gagamitin sa bawat bahagi ng kubeta. sinara ko ang kubeta para umpisahan na niya ang paglilinis. lumipas ang kinse minuto, nakaharap na siya sa akin at nakaligo na. "tapos ka na?" buong nakakapagtataka kong tanong.

pinuntahan ko ang kubeta at kinilatis bawat sulok. bagsak! "iyun ba na iyun?" tanong ko. nagsimula na naman ang drama. dahil di naman ako iyung taong makulit, hinayaan ko na lang siya para makapaglakwatsa ulit. pero sinabi ko sa kanya na lilinisin ko ulit ang kubeta.

masama ba ako? hindi ko naman siya pinaparusahan ah. nagbitaw lang siya ng salita kaya pinapahalagahan ko lang iyun, dapat siya din. hindi ko naman siya pinilit. siguro masama ang tingin niya sa akin kasi di ako nagpasalamat sa eport niya bagkus sinabihan ko pa siyang "mediocre" ang gawa niya kaya uulitin ko. malupit daw ako.

kung tutuusin, iyun lagi ang sinasabi niya sa akin. ang sama ko daw. inaapi ko daw siya lagi. parati ko daw kinakampihan iyung isa pa naming rumeyt. totoo iyun kung titingnan mo lang ng pahapyaw. pero ang totoo lambing lang iyun. ganyan kasi ako minsan maglambing sa kaibigan, may pagka-brutal. pero kung talagang ayoko sa kanya, di ko siya papansinin. kung titingnan ko lang siguro ang mga kapintasan niya siguro di na ako makikipag-usap sa kanya. kaso alam ko naman na kayang takpan ang mga iyun ng kanyang kabutihan eh kaya ganoon ang trato ko sa kanya. pero kaibigan talaga turing ko sa kanya. kaso lang madrama siya at di niya nakikita iyun. hehehe

sa bente-uno ng enero ang alis niya papuntang esteyts. anim na buwan siya doon. siguro medyo gagaan na pakiramdam niya dahil wala nang mang-aapi sa kanya. pero tiyak magiging boring buhay niya dahil puro sarap lang ang mararanasan niya doon. hehehe. kenny, maligayang paglakbay. maging mabait at masunurin lagi kahit di mo suot iyung kuwintas ko. hahaha.

2 comments:

odin hood said...

isang magulang na mapagmahal ang magtuturo (either by demonstration, by instruction or by example) sa kanyang mga anak kung paano maglinis.

cleaning toilets is just as important as learning how to tie your shoelaces. that's something your parents or kuya/ate would do for you out of love. if someone bothered to teach me something as vital as tying my laces or cleaning toilets id be grateful. that's sweet :)

Trip said...

thak you odin hood. :)

Followers

Popular Posts



Add to Technorati Favorites