CAMSUR: CWC and back to Manila
tatapusin ko na itong camsur series at marami pa akong isusulat. sayang at baka mawala pa ang momentum. umpisa pa lang ng taon at medyo di pa nakapag-distribute ng mga assigned projects kaya binabalak ko na araw-araw mag post. di na ako masyado magkukuwento tungkol sa better than average learning curve ko sa wakeboarding. naikuwento ko na rin kasi doon sa hyperactive trip ko eh. iyung mga nakakatuwang at di makalimutan na experiences na lang. hehehe
---
dumiretso kami sa sm naga pagkadating namin galing caramoan. gutom na gutom na kasi kami. kumain kami doon sa isang restoran na sinasabi ng driver noong kararating lang namin ng naga, ang biggs. akala namin eh parang nag-siserve din sila ng mga authentic bicolano cuisine yun pala para siyang fast food na nagsiserve ang american dish. naalala ko iyung boutique ng american boulevard ng pumasok kami. as usual, hamburger ang inorder ko. ok lang ang lasa. nothing special. di rin nakapasa kay chef iyung kinain niya. humiwalay na rin sina red at ike dahil uuwi na sila sa maynila.
inabot kami ng dilim ng umalis ng sm. doon na kami sa loob ng CWC compound matutulog. naka-book na kasi kami doon sa eco-village. pinili namin ang magtaksi na lang kasi kumunti na kami. kaso iba pala ang patakaran ng mga taxi doon. sabi sa amin na overloading daw (avanza iyun at pito na lang kami), bawal, kaya sisingilin na lang kami bawat isa at multiply by two daw dahil wala na daw siyang pasahero makukuha pagbalik. gulat kami, parang maynila din kung manggulang mga taxi doon. bawal pala eh pero pumayag din magsakay kaso iba na ang rate. kaya umiiwas talaga akong sumakay ng taksi eh dahil mababadtrip ka lang talaga.
ang dilim papasok sa eco-village. nagkamali pa nga ng liko iyung driver. nakatipid din kami ng kaunti sa taxi dahil di kami pumayag na magbayad ng per tao. kung ano ang nakalagay sa metro, dinoble lang namin. di rin makaangal ang driver. ang lalaki kaya ng mga katawan namin pagkatapos madilim pa ang daan. taga maynila pa kami kaya kung may krimen na mangyayari kawawa siya. (joke)
bumaba na ang expectation ko sa eco-village ng makita ko ang room na tutulugan namin. mas lalong bumaba ng humingi kami ng mainit na tubig. binigyan lang kami ng isang baso. kanya-kanyang baso daw doon. clay talaga. dahil mga koboy naman kami, oks lang. sinundo na din ni cat ang isa pa naming kasama, si omar. dapat kasama din namin siya sa caramoan kaso may emergency na inuna. ikinuwento na lang namin sa kanya iyung nangyari sa caramoan. ininggit namin siya kung paano namin inenjoy ang stay namin doon kahit umuulan. tinanong niya kung mauulit ba o hindi. sabi namin may inuman ulit pero wala ng videoke.
nagkaroon ulit ng striptease si monty habang nag-iinuman kami. iyung mga babae naming kasama di namin alam kung nahihiya o anu dahil ayaw humipo sa katawan ni monty. sabi namin para hipo lang natatakot kayo. nag sample kami. siguro lumakas din ang loob nila kaya nakihipo na din. nagkunyaring maghubad ni monty ng shorts at underwear. nakikihubad na din si cat. ng nakitang lumakas ang loob ni cat, si monty na ngayon ang nahiya. enjoy din ang inuman kahit walang videoke pero maaga kami natulog kasi wakeboarding na bukas.
medyo late na din kami nagising. inisip naming lumabas nina chef at papa p kasi wala kaming tubig na inumin at wala ding breakfast. balak namin sa kanto lang bumili kaso wala matinong pagkain kaya sabi ni papa p na sa naga na lang bumili. pumayag naman kami kaso ng pabalik na kami, hindi umalis agad ang jeep. naghintay pa ng pasahero kaya ng dumating kami sa eco-village ay magti-ten na. binilisan na namin ng kain tapos nagpasundo ng shuttle papunta sa wakeboarding area.
di ganoon kadami ang tao sa wakeboarding kaso kapansin-pansin na madami ang foreigners. halo-halo ang lahi. at magagaling sila. (nasa hyperactivetrip ang buong detalye ng wakeboarding experience). meron din kaming napansin na tila pamilyar sa amin. mukhang arabo sa malayo kasi balbas sarado. pero ng kinilatis namin, si joross gamboa pala. iyung mga babae naming kasama gusto magpa-picture kasama siya. pati na rin ang mga kasama naming lalaki na maka-showbiz. si monty nga nagka-interes din na magpapicture. eh kapwa niya kasi cosmo bachelor eh. ako naman, dedma lang, di ako nagpapicture. siyempre mataas pride ko. hehehe. ako na ang kumuha ng picture nila. kaso ng mailipat namin ang picture sa pc, malabo. di ko sinadya yun ha? hehehe. magaling din si joross mag wakeboarding. tila hobby niya talaga ito dahil meron siyang sariling board. nandoon din ang kapatid niya. tinuturuan niya. kaya lang ang hirap talaga siguro turuan iyung walang aptitude sa sports. di siya natuto hanggang ng matutunan na namin kinagabihan. panay pa rin semplang niya.
tatlo lang kami ang nakaikot ng buo sa wakeboarding. siyempre mayabang kami. pero ako ang mas mayabang kasi dinaanan ko ang dalawang ramp (by accident lang) na di natumba sa tubig. hehehe. kaso, nakainom naman ako ng tubig. para ako masuka noon kasi kulang na lang ng ilang babad ng paa ko, parang ilog pasig na ang tubig sa practice area. pero sabi nga, it's all in the mind. at isa pa, lahat pala kami nakainom din. hahaha.
di na kami nag-inuman ng gabi na iyun. wala na rin kasing maiinom. kuwentuhan na lang at asaran hanggang sa makatulog. noong umaga, nauna ako magising. kinuha ko ang dslr, tapos shoot ng shoot sa makitang living things sa labas ng cottage. kaunting almusal na din at hinintay ang shuttle para maghatid sa airport. inabot kami ng siyam-siyam sa kahihintay at ng maramdaman namin na di na darating, nag-tricycle na lang kami. buti na lang di kami na-late sa airport. pero mayat-maya, dumating ang shuttle lulan ang gurpo nina joross. clay ulit. iba na talaga ang celebrity, inuuna.
wala ng hassle sa airport ng naga at iyung hindi nakabili ng souvenir sa cwc, duon na lang bumili sa airport. bumili na rin ng pasalubong. ng dumating kami ng maynila, masaya pa rin ang mood ng buong barkada. kantiyawan pa rin. sumakay kami doon sa airport shuttle papuntang mrt. meron palang ganoon sa terminal 3. well, next time alam ko na gagawin ko. di na ako maglalakad ng malayo para kumuha ng taxi sa labas ng airport. naghiwa-hiwalay na kami sa mrt taft station. iyung iba, diretsong pumasok na ng trabaho. kami naman umuwi na.
gusto kong bumalik sa cwc. nabitin kasi ako. kelangan ko talaga ma-prove na talagang marunong na talaga ako at hindi tsamba lang. sa kabuoan, enjoy ang adventure sa camsur. may mga let-downs pero di kami nagpa-apekto. kami na mismo ang gumawa ng aming kasiyahan. maraming alaala ang adventure na iyun. kasama ng alala na nawala ng tuluyan ang aking payong. hehehe









0 comments:
Post a Comment