Tuesday, January 4, 2011

CAMSUR: Caramoan

ang caramoan ay hindi isla na una kung inakala. para lang siyang laiya sa batangas at ang kaibahan lang ay bangka ang pinakainam na sasakyan para ito ay puntahan dahil hindi maganda ang daanan papunta sa dinadayong atraksiyon nito. kaya ng makita ko ang pier inisip ko kaagad na di pa tapos ang biyahe namin.

dalawa lamang ang option na available sa amin papunta sa resort, jeep o tricycle. pinili namin ang tricycle kasi siyempre mura. kaso lang dalawang tricycle ang dapat naming kunin at kelangan namin hiwa-hiwalay. sa unang taksi ay sumakay si chef, papa p, blue, at ike. kami naman nina cat, sha, monty, at kenny.

walang problema ang main road papunta sa destinasyon namin pero nang pasukin na namin ang dirt road, para na rin kaming sumakay ng roller coaster. di lamang akyat baba ang daan kundi bako-bako pa ito. para kaming niyuyugyog habang nakasakay. ilang beses din bumaba ang nasa unahang tricycle para lamang itulak ito dahil sa hindi kinaya ang pag-akyat. kami naman ay kelangan pumunta sa harapan ng tricycle para ibuhos ang aming bigat sa harap para hindi ito bumaliktad. masikip din ang daan kaya napaisip ako kung kakayanin bang pasukin ito ng jeep. ilang minuto din naming tiniis ang pangbubugbog ng biyahe hanggang sa makita ko na hindi na putik ang dinadaanan namin kundi buhangin.


alam na rin ng driver kung saang resort kami dadalhin pero bago namin narating ito bigla na lamang binanggit ng driver na maraming engkantado sa lugar na ito. siguro biglang nasambit niya iyun ng biglang may puting ibon na lumipad sa harap namin. di ko naman pinagtuunan pansin iyun kasi di naman ako naniniwala sa mga engkanto.

huminto kami sa isang malaking kubo na tilang restoran o dining area. nakipag-usap doon si cat at narinig namin na fully booked daw sila. ang alam namin naka reserve kami at nakapag-deposit. sinabi ng kinausap ni cat na irirefer na lang kami sa malapit na resort. dahil wala na ring silbi para makipagdebate sa walang kuwentang kausap, minabuti na naming puntahan ang nasabing resort.

bago pa lang ang resort na nilipatan namin. nakita namin doon iyung mga foreigners na nakasabay namin sa bangka. tila di sila nagkaayos sa presyo ng kausap nila kaya nakita din namin silang umalis. kinausap ni cat ang isang babae doon at sinabing may bakante pa kaya iniakyat na namin ang aming mga gamit. dalawang kuwarto na din ang kinuha namin. nagsama sina blue, ike, sha at cat. nagsama sila dahil wholesome daw sila. kaya kaming mga di wholesome ang magkasama sa kabilang kuwarto.

alas-tres kami dumating sa resort at di pa kami halos nakakain ng matino. dahil sa walang mapaglutuan sa kuwarto, pinasya na din namin na umorder ng pagkain. iyung binabalak namin na makatipid ay tila di na mangyayari. pero may naisip ako kung paano makalibre ng lunch/dinner. iyung kasama namin na may-ari ng social networking website ay puwede mag-sponsor ng dinner kaya siniko ko siya ng kaunti at sa dahil may himala ay napapayag ko naman. laking pasalamat ng grupo ng idiniklara kong may sumagot na sa aming dinner.


natapos kaming kumain mga bandang alas-kuwatro ng hapon. mahaba pa ang oras namin at puwedeng puwede pa kami mag swimming kaso nga lang patuloy pa rin ang pag-ulan tapos kulay milo pa ang tubig ng dagat. kaya ginawa namin ay picturan na lang ng picturan. tapos kinain ang mga nalalabing tsitsirya lalo na ang mga imported na inisponsor ng may-ari ng gasoline station. nakakabore ng hapon at hindi pa namin alam kung ano ang kahinatnan ng gabi namin sa resort na ito. ang alam lang namin ay meron kaming alak at videoke na nirentahan namin ng 500 hanggang alas-onse mamayang gabi.

hindi na namin hinintay na dumilim para bumaba at pagsamantalahan ang videoke. dapat masulit namin ang 500. ibinaba na rin namin ang inumin na vodka para pampalakas ng loob. unang kumanta ang mga magagaling, sina cat, sha at monty. wow, talentado pala iyung model na ito. may itsura na, may talent pa at kung tutuusin nakita ko na rin siya sa tv. hinayaan ko silang magpasahan ng mike. ok lang, wala pa naman ako sa momentum. isa pa, ayokong mag standing ovation ang mga kasama ko habang kumakanta ako. kakahiya naman.


habang masaya kaming nagvi-videoke, lumapit sa amin ang may-ari ng resort. binigyan kami ng libro tungkol sa caramoan. nandoon nakalagay ang mga tourist spot. siyempre ibinibida sa amin ang kanilang lugar. recently nga daw eh dito ginawa ang isang survivor series. iyung sa france yata. all ears naman ang di kumakanta. sabi pa ng may-ari na iyung mga upuan na ginamit sa series na iyun ay nandito sa loob ng dineing area. pinakita niya sa amin. kami naman walang magawa. nagpapicture kami sa mga upuan. kunyari kami ang mga survivor. lumabas lahat ang mga camera, kahit cellphone. maya-maya na lang ay nag-brownout. ang dilim. buti na lang may emergency light sa loob. tuloy ang kuwentuhan. pero iyung mag-bff biglang nag-excuse. akyat daw muna sila sa kuwarto. sabi namin alam na namin ang gagawin nila. tawanan lahat.

ng bumalik ang ilaw, tuloy ang videoke. mga alas-otso na at biglang nag announce si monty ng "comedy bar" na. noong simula di ko alam kung seryoso siya o hindi. bigla na lang hinila si cat at sinimulang laitin. putik, grabe pala itong si monty, magaling na host at komedyante. puwedeng pantapat kay allan k. siyempre ayaw naman magpatalo ni cat. taga "ateneo" yata siya kaya hiritan sila ng ingles. kantiyawan ng mga schools. nadamay pati up, la salle, at ust. problema nito di yata alam ni cat na merong naka suot na la salle tshirt sa mga guest na kumakain sa dining area. buti na lang alam nila na nagbibiruan lang kami tapos ng nilingon namin sila parang di naman sila nakikinig kaya go lang ang dalawa sa asaran. pero siyempre wala namang nanalo na audience sa mga host ng mga comedy bar di ba? dagdagan pa ng pang-aasar nina chef at sha. buti na lang din di pikon si cat. kayang i-absorb ang lahat ng lait. pero sa kalaunan, nakakanta din siya.

pagkatapos ni cat kumanta, sinunod si sha na di masyadong malait ng host. inisa-isa kami ni monty na tawagin sa gitna. walang nakaligtas kahit sino. si chef tinanong tungkol sa kanyang special someone. si blue at ike tinanong tungkol sa kanilang pagkawala noong nag brownout. si kenny tinanong kung bakit pinili niya ang kantang all by myself. kahit ako di nakaligtas. tumayo ako sa harap. putik, marami na palang tao sa likod namin. akala ko kami kami lang sa resort. may mga umiinom na sa ibang table at lahat nakatingin at nakitawa sa pinaggagawa namin. sabi ko relax lang, wala namang nakakilala sa akin dito. kaya di ko na sila pinansin at nakinig na lang sa aming host. maingat si monty sa akin. siguro iniisip niya na baka umbagin ko siya pag nagkamali siya. di lang siya ang may malaking katawan. sinasagot ko mga tanong ng seryoso at may pagbabanta (hehe). sinabihan niya na ako ay "borta" tinanong ko siya kung ano iyun. sabi niya na nag mamaangan ako. di ko na itinuloy na kunin ang sagot sa kanya kasi baka doon pa siya makakuha ng tiyempo para ako ay malait. ng wala ng maisip na tanong, pinakanta niya ako. tumugtog ang kanta. mamaya maya lang bigla siyang humila ng mahabang upuan at pinahiga si cat. nagkunyari silang naglalamay. wala akong paki-alam tuloy lang ang kanta ng kahit isang saglit.

ng gabing iyun hindi lamang si monty ang nagpakitang gilas sa pagho-host. si blue ay meron din palang talent at mas lalong nagkaroon ng audience participation dahil marunong siyang magbicolano. lahat ng sinasabi niya ay pinapatranslate ni monty sa mga umiinom sa loob ng dining area. mabuti din at game din ang mga tinatanong kaya nagmistulang comedy bar na sa loob ng resort.

alas onse natapos ang kantahan at tawanan. di na kami nag extend kasi gabi na din at may balak pa kaming mag island hopping kinaumagahan. iniwan namin ang dining area. nagsitayuan na din ang mga umiinom doon.


lasing na kami lahat ng pumasok sa kuwarto. kuwentuhan at harutan pa din. merong naghubo dahil sa kalasingan. inisip siguro na walang makaalala kinaumagahan (hahaha). nagpapicture na din ang mga borta na ibig sabihin pala ay malaki ang katawan. bago matulog, nasaksihan pa namin ang ganda ng buwan. gumanda ang panahon ng gabi na yun. bukas sana ganoon din.

4 comments:

Duke said...

ang lulupet ng katawan nyo tsong... inspiring!!

Anonymous said...

ano kaya ang nangyare sa kwrato ng mga nde wholesome nung gabing yun. hehehehe. ang gaganda ng katawan

Trip said...

kung meron mang nangyari doon sa kuwarto ng mga di wholesome, sa kabilang blog mo abangan iyun. hehehe

Online Poker said...

It goes beyond all limits.

Followers

Popular Posts



Add to Technorati Favorites