Thursday, January 27, 2011

Alerto 24 Oras

sa nangyari noong nakaraang martes, iyung pangbobomba sa isang bus, marami na naman sa atin ang nakared-alert. siyempre naman dahil ayaw natin maulit ang nangyari. ito ang dahilan kung bakit nagsisilabasan ang mga hakbang o tips para maiwasan ang mga ganitong pangyayari galing sa mga "eksperto". malaking tulong din ito para sa mga ordinaryong mamamayan na gumagamit ng bus sa kanilang pangaraw-araw na transportasyon.

kahapon, pagkatapos kaming ihatid ng aming company service sa ayala, pumili kami ng bus para sakyan papuntang boni. di na kasali ang aircon na bus sa aming pinagpipilian dahil di naman kami sumasakay doon. kaya sabi namin doon kami sa pinaka-bulok na ordinaryong bus. (tip #1: huwag sumakay sa aircon na bus) pag-akyat namin, wala masyadong pasahero. naisip ko, may bomb-scare na ba ang mga pasahero kaya di na sumasakay ng bus? di naman siguro. sadyang mapipili lang ang mga pasahero ngayon. gustong gusto nila iyung bago at magandang bus kahit ordinaryo lang ito. (tip #2: mas luma na bus, mas maganda)

kaliwa o kanan? wala ng pagtatalo dito. siyempre sa kanan dahil pangdalawahan lang ito at kung kasama mo iyung irog dapat dito kayo uupo para walang istorbo at sweet. hehehe. pero sa totoo lang ang kanan ay talagang paboritong direksiyon, siguro dahil sa naiisip natin na ang kanan ay nangunguhulugan ng kabutihan at ang kaliwa ay kasamaan. kaya naupo kami sa bandang kanan ng bus at malapit sa driver. (tip #3: maupo malapit sa driver) sabi ko kay HB, "mula ngayon dito tayo maupo lagi". sabi naman niya, "bakit ayaw mo sa likod?" sagot ko naman, "kasi di masyadong pansinin ang mga nasa likod. kung may terorista man doon siya uupo dahil di masyadong halata." naisip ko kasi pag nasa malapit ka ng driver, kadalasan nachi-check iyung karga ng pasahero at iyung konduktor madalas din na nasa unahan ng bus. ibig sabihin, mas madali niyang mapansin kung may naiwan iyung bumabang pasahero o wala.

nang nakaupo na kami napansin ko na iyung upuan ay may mga gewang sa likuran. sabi ko, "eto ang magandang upuan. masisilip mo iyung ginagawa ng nasa harapan mo. kung meron man siyang kahina-hinalang ginagawa, agad mong makikita." (tip #4: maging usisero sa ibang pasahero) "over-analyze ka na naman" sabi ni HB. "kung gusto mo malaman ang kilos ng isang terorista, pasukin mo ang utak niya" sabi ko. hehehe. mamaya't maya may narinig akong nagsasalita ng di tagalog. ang pagiging usi ay di lang gumagamit ng mata, kundi pati rin ng tenga. pinakinggan kong mabuti. bisaya, may inaaway sa kabilang linya. girlfriend. tiningnan ko ang nagsasalita. naka t-shirt ng manipis, basa ang buhok. may dalang bag na merong nakausling kahoy. construction worker ito. hindi terorista. "safe" sabi ko kay HB. hehehe

nang dumaan kami sa pinangyarihan ng pagsabog, nakita ko pa ang bakas ng dugo. meron na ring nakaalay ng bulaklak at kandila doon. meron ding nakasulat na pakikiramay. napa-isip ako. nangyari ang insidente ng hapon. hindi pa rush hour. bakit nandoon ang bus? walang skid mark na ibig sabihin ay nakahinto ang bus doon. bakit doon nakahinto na malayo sa bus stop? nagmamadali iyung terorista? (tip #5: kapag may pumara sa alanganin na lugar, magduda ka na)

ayan, nakalimang tip ako. di ako eksperto kaya huwag makipag debate kung may kredibilidad ang sinasabi ko. gumawa ka ng sarili mong pamamaraan kung paano maging alerto sa iyong paglalakbay. unahin mo kayang tanggalin ang nakasaksak na earphone sa tenga mo at magiging praning sa paligid.

ng dumaan ang bus sa guadalupe naitanong ko sa aking sarili "paano kaya kung dito pinasabog ang bus. siguradong maraming nadamay. napakadami kayang tao dito." pero palagay ko di gagawin iyun. masyadong masa. walang statement. mas maganda kung sa greenbelt gagawin iyun kasi maraming mayayaman at umaastang mayaman. masusi din ang seguridad doon. kung doon aatake ang terorista siguradong may statement. eh kung may pulitiko pa doon, mas lalo na. eh papaano kung biglang may dumaan na aircon na bus na may lulan na mga bigtime sa tabi ng bus na sinasakyan namin tapos sumabog. patay. low risk na nga itong sinasakyan namin nadamay pa dahil sa bus na iyun. ahhh. next time, maglalakad na lang kami. (huy, pambobomba ang paksa natin. hindi aaksidente na walang pinipiling lugar at oras. ang punto ko lang dito ay kung oras mo na, oras mo na talaga.) hahaha

3 comments:

Anonymous said...

pagnagbus ka bomba, pagnagkotse ka carnap at pagnaglakad ka e holdap. san ka pa. ahahahha

magstay ka na lang sa house. ahahahha

tama pag oras mo na oras mo na. pero kung oras na ng katabi mo malas mo lang at nadamay ka pa. ahahaha

Blakrabit said...

Ahaha! May tama si anonymous! Tsk tsk mas lalo nang mapaparanoid ang mga paranoid na sa mga public transpo. (>_<)

Trip said...

tama. kaso between the three, pa hold-up na lang ako. at least may malaking chance para mabuhay. hehehe

Followers

Popular Posts



Add to Technorati Favorites