Thursday, December 23, 2010

CAMSUR: to Caramoan

nauna ngang nagising ang mga babae. nagising na din ako kaso ayoko pang bumangon. gusto ko pa din matulog kaso mahirap dahil naririnig ko ang kaluskos at bulungan nila. di rin ako nakatulog ng maayos dahil nagkaroon ng concert ang mga pagod sa biyahe. ilang oras na din naman at kelangan na namin pumunta sa terminal. malapit lang din daw iyun sa sm.

patuloy pa din ang ulan at malamig ang tubig sa banyo kaya iyung mga nagbabalak na maligo ay di na naligo. nagwisik-wisik na lang. bababiyahe na lang din naman at saka umuulan kaya di na kelangan maligo. pinag-usapan pa rin kung tutuloy talaga ng caramoan o hindi dahil malakas ang ulan. sang-ayon naman lahat na itutuloy ang lakad. rain or shine baga.

naghintay kami na humupa ng kaunti ang ulan bago lumabas ng hotel. oo nga pala, nakita ko ang aking payong sa bag ko rin mismo na hand carry ko. ibig sabihin niyan, nakalusot ako sa security ng airport. di ba delikado iyan? eniweys, sana di makalusot iyung talagang may masamang hangarin. nakishare si sha sa payong ko papuntang terminal. laki ng bag niya. gusto ko mang kargahin iyun para sa kanya ay mahirap dahil may dala akong payong. buti na lang at mga amasona kasama namin at di kelangan ng mga knights.

pagdating sa terminal, nakakuha kami agad ng sasakyan kaso lang mahihiwalay sa amin ang mag-bff dahil may laman na iyung isang sasakyan. nauna na din kaming umalis. ninety yata ang pamasahe kada pasahero at may isang oras ang biyahe papuntang daungan ng banca. malakas pa rin ang ulan at masarap matulog pero dilat ang mga mata namin para naka-alert sa biyahe. nagkumpara na lang kami ng quality ng sounds sa mga cellphone namin. tinalo ng samsung wave (talagang pino-promote. hehehe) ko nokia, sony ericsson, at blackberry (buti di kasama ang mga mansanas ni eba. hehehe) kaya umalingawngaw ang black-eyed peas sa buong sasakyan. kaso di rin nagtagal dahil sinita ako ni papa p na meron daw natutulog. pinatay ko naman siyempre baka mamura pa ako sa bicolano.

di makapagpabilis ng takbo ang sinasakyan namin dahil sa lakas ng ulan. inilipat pa nga kami sa isang jeep dahil may madadaanan kaming baha. napraning pa nga ako dahil sa mga turista lang ang laman ng jeep. paano na lang kung bigla kaming i-hostage? kasama ko pa naman ang mga may-ari ng kung ano-anung negosyo. hehehe. kaya talagang naka red-alert mode ako. inihanda ko na ang aking swiss knife. hahaha. pero siyempre di naman mga masasamang loob ang kasabay namin. mga tauhan pala sila ng mga banca na maghahatid sa amin sa caramoan.


ng dumating kami sa sabang port, pinalipat ng mga tripolante ang mga bag namin sa malalaking plastic para di mabasa. ang tagal dumating ng mag-bff. nakailang trip na ng banca ang pinalagpas namin sa kahihintay. ng tinext namin sila, sabi daw ay bumalik sila sa isang bayan para duon sumakay ng jeep. di na daw kaya ng l300 na sumuong sa baha. sabi pa nga ni ike na kung di sila makasakay agad balik na lang sila ng naga. di naglaon, dumating na din sila. muntik na din sila lumagpas kung di sila hinabol ng mga tao ng port. nagtaka pa daw sila kung bakit alam ng mga tao pangalan nila. siyempre sinabi na namin lalo na ang mga palantandaan. (joke. hehehe)

nagmamadali na kami pumunta ng banca. nagulat kami na hindi pala namin kakayanin ang umakyat kung di kami bubuhatin sa mga balikat ng mga tripolante. patay malisya na lang ako na nabubunggo ng yagbols ko ang leeg ng bumuhat sa akin. pero iyung iniisip ko, kaya ba nilang buhatin si cat. oo naman. bente ang singil sa amin sa pagbubuhat.

mahaba ang biyahe. dalawang oras. di rin makaka-enjoy sa sight-seeing dahil nakasara ang trapal ng banca dahil sa lakas ng ulan, pero hindi naman maalon. siyempre labasan na naman ng gadgets. nagyabang ang i-pad sa mga games nito tulad ng video karera (hahaha, biro lang). iyung blackberry naman ibinida ang map application nito na pinapakita ang route ng banca. di ko na inilabas si wave, baka tawagin ng mga kaanak niya at biglang pumalaot na din. nag-enjoy din kami sa isang makulit na nakainom na turista. inabangan namin na baka maghubad. hahaha.


isang magandang feature sa banca na sinakyan namin ay meron itong cr, improvise cr to be exact. dapat lang siguro na magkaroon ng ganito sa mga banca lalo na kung matagalan ang biyahe nito. (naalala ko iyung last ko na sakay sa banca at napilitan akong umihi sa sa puwitan nito. ok lang sana pero ng bigla humangin eh pasalubong sa akin. kaya ayun nabasa tuloy ako. sinabi ko na lang sa mga kasama ko na alon lang iyun.) nakadalawang balik din ako para umihi doon. hindi lang sa ihian puwede iyung cr. dahil sa may takip ito, puwede din mag-popo kaso diretso sa tubig ang bomba. palakasan na lang ng loob kung gagawin mo iyun doon. hehehe. si papa p naman iba ang trip. nagpa-picture siya doon.


nasa oras talaga ang biyahe ng banca. eksaktong dalawang oras, kita ko na ang pier ng caramoan. mabuti na lang at meron talagang pier dahil di na namin kelangan magpabuhat sa mga porter. umuulan pa rin at tiyak mahirapan kami sa pagpunta sa resort na aming pinareserbahan.

0 comments:

Followers

Popular Posts



Add to Technorati Favorites