CAMSUR: Pre-departure
last week, pumunta kami sa camsur. matagal na ito naka-iskedyul. september pa lang nakapag-book na kami sa airphilexpress. mabuti na lang may nakuha pa kaming promo rate kaya 2,400k lang ang roundtrip. november 26 kami umalis at nakabalik naman kami ng maynila ng november 30. bale dalawang araw lang ang leave namin kasi iyung 29 na-declare na walang pasok.
di ako sigurado kung idedetalye ko ba ang kuwento ng aming adventure dahil medyo mahaba-habang inuman ito kung iyan ang gagawin ko. siguro gawin ko na lang series para di naman mabobore ang mga magbabasa dito. ang masasabi ko lang, gagawin ko lahat para abangan ninyo ang mga susunod na tsapter.
PRE-DEPARTURE
walo kaming magbabarkada ang dapat na aalis papunta sa camarines sur. dahil sa september pa lang ay nakaplano na ang lakad, hindi maiiwasan na magkakaroon ng problema sa skedyul ng bawat isa. para sa amin ni chef, walang problema kasi nakapagpaalam kami ng maayos. ang problema ay iyung sa isa naming kasama na kasisimula pa lang sa isang call center. ang totoo pa nga ay nasa training siya. kaya di namin alam kung paano magamit iyung nabili na naming tiket.
isang linggo bago ang takdang alis namin, nalaman namin na di na nga makasama iyung isa naming kaibigan na tawagin natin sa pangalang jepoi. nagkaroon ng red alert sa bawat kasama namin. naghahanap kami ng puwedeng pumalit sa kanya. sabi namin di naman ganoon kahigpit sa airport basta may id lang na maipapakita.
inalok namin sa aming ka-housemate na nag-ngangalang ike ang tiket kaso siya man din ay nag-aalangan na sumama kasi nag-overbudget daw siya. bumili ba naman ng i-pad. kaya iyung bff niya na gustong gusto sumama ay galit na galit sa kanya. kunsabagay, itong si ike may pagkakuripot, este matipid pala kaya kahit siguro na may pera pa iyun di niya bibilhin ang tiket. sabi nga sa amin eh, discounted na daw ang tiket. sabi ko, huwag na lang, maraming nakapila na gustong sumama. akala ko naman kakagatin ang sales talk. kuripot talaga. hehehe
si kenny na bff ni jepoi na makakasama din namin sa camsur ay nakahanap ka pamalit. tawagin natin siyang si monty. pinakita muna sa amin ang profile niya sa fb para makilatis. ng makita namin, sabi namin, go na. nakapasa sa criteria ng mga bulalakaw boys. ang challenge namin ngayon ay makagawa ng id na nasa pangalan ni jepoi sa loob ng dalawang araw. sabi namin magpadala ng picture at kami na bahala gumawa ng id.
isang araw bago ang alis namin, may pinadala na dalawang picture. isang naka-coat and tie at isa na nakapolo. wow, parang set card para sa modeling agency ang mga pics ah. habang abala kami sa paggawa ng id, si kenny nagpadala ng complete id. ng pinrint namin, press card. walanghiya, kung kelan dapat di makakapansin ang id eh iginawa pa ng press card. paano na lang kung may magiging curious sa identity nito. kaya reject ang id. gumawa kami ng pag-ibig id at pinalaminate. presto.
araw ng departure, hiwa-hiwalay kami na pumunta sa airport. kasama ko si chef at papa p. si kenny, nakipag meet sa pioneer kay monty dahil may job interbyu pa siya doon. iyung kasama namin na dalawang babae na sina cat at sha ay magkasabay din pumunta.
ng dumating kami ng airport, nakita namin si cat na naka-upo sa labas. di pala niya kasama si sha kaya iniintay niya. sina kenny naman, nag-text na nakapila na para kumuha ng boarding pass. naisip ko tuloy, nakalusot na sila sa gate ng airport. di kaya makatawag pansin ang pangalan na nasa id niya. huli na kasi namin mapansin ang middle name na nailagay eh. Nakasulat doon, SANTOS, RAYMOND GUTIERREZ.


4 comments:
I've always wanted to try wakeboarding.. sayang would have applied to be a replacement if I knew.. tho I won't be able to pull off a RAYMOND GUTIERREZ coz of my built hehehe
ok, next time we'll inform u if we decide to go wakeboarding again. i learn that there is one in calatagan, batangas. :)
nasan na yung karugtong ng story? :)
yup, it's the Lago de Oro resort.. can't wait!
Post a Comment