Wednesday, December 22, 2010

CAMSUR: Naga

luma pala ang airport sa naga hindi tulad sa amin na bago na. inaasahan ko na bago na ito dahil sa nagiging tourist destination na ang camsur pero di pa pala. pero ok lang, di naman requirement iyan para puntahan ko ang isang lugar. ang importante maayos ang sistema nila at kumpleto sa security measures. kaya lang kelangan na pagtuunan pansin ng local government ang kanilang airport dahil ito ang unang bumabati o sumasalubong sa mga bisita. teka, di pala tungkol sa airport ang entry na to.

---

di na kami puwede maglakad mula airport hanggang highway dahil walang balak huminto ng ulan at saka madilim na talaga. buti na lang may nakausap kaming l300 na pumayag maghatid sa amin sa hotel. 600 yata ang kontrata namin kaya more or less mga 100 lang ang share namin bawat isa. puwede na. habang tumatakbo iyung sasakyan, tinanong namin iyung driver kung saan masarap kumain ng authentic na bicolano dishes sa naga. meron siyang dalawang binaggit, iyung G1 at bigs. malapit lang din daw ito sa hotel na aming titirhan.

medyo matagal din ang biyahe papuntang hotel (mas mukhang motel). hehehe. doon kami sa pinakataas na floor. malaki ang kuwarto na merong dalawang queen size na kama, dalawang single bed, at isang double deck. pinili namin (ako, chef, at papa p) iyung malaking kama, sina sha at cat sa ikalawang malaking kama, si kenny at monty sa magkahiwalay ng single bed, at iyung bunk bed ni-reserve na namin kina ike at sa bff niya. bigyan nating ng pangalan si bff. tawagin natin siyang si blue.

di na kami nagtagal sa hotel kasi gutom na kami. dahil sa sinabi ng driver na malapit lang sa pinag-stayhan namin iyung kainan na sinasabi niya, pinagpasyahan namin na lakarin na lang. sabi pa niya na pagkalagpas lang iyun ng tulay. habang naglalakad kami may nakita kaming banner. may nakasulat doon na "geewan". iyun yata ang tinutukoy ng driver at hindi "g1". tawanan na lang kami. pagkalagpas namin ng tulay inasahan namin na makikita agad ang kainan kaso hindi kaya nagtanong-tanong kami. binigyan kami ng instruction at naghanap ulit. sa kabutihang palad nakita din namin. akala ko may pagka-native iyung kainan. hindi pala. para lang siyang sosyal na turo-turo.

pumili kami agad ng ulam. mukhang masarap. iyung iba pamilyar na sa tingin namin gaya ng laing, sinigang, bicol express, atbp. lasa na lang siguro ang magiging kakaiba. dahil nasa bicol kami, siguro naman maanghang ang mga timpla nito. pinili ko iyung pusit at pinangat. puro ginataan iyun. ang mahal pala ng pusit, 80 pesos. mali ang dinig ko. kaso kakahiya naman na ibalik. umasa na lang ako na masarap.

umakyat kami sa second floor para kumain. halos kami lang ang tao doon. medyo maingay kami at halatang dayo dahil sa salita namin kaya tinginan ang ibang kustomer. masarap iyung pusit. stuffed pala siya kaya ok lang kung mahal. iyung pinangat naman bagsak sa akin. mas masarap iyung luto namin sa iloilo. iyung iba namang putahe bumagsak din. iyung bicol express di naman ganoon ka-anghang. kahit iyung mga sinigang di rin pumasa. ganoon talaga siguro pag may chef kayong kasama. mataas o tumataas ang standards.

pagkatapos namin kumain, pumunta kami ng sm. nandoon kasi naghihintay sa amin sina ike at blue. nauna kasi sila dahil maaga iyung leave ni blue at nag-bus lang sila. kelangan din kasi namin bumili ng mga kelanganin namin para sa caramoan bukas.


hindi naiiba ang sm naga sa mga sm sa maynila at ibang probinsiyang napuntahan ko. pare-pareho halos ang design at ang mga stores na nasa loob kaya halos parang di ka rin lumuwas ng maynila. nasa mcdo iyung mag-bff kaya pinuntahan ko sila samantala iyung iba naming kasamahan ay nag-grocery, nag-cr, at nagwindow-shop. abala si ike sa kanyang i-pad at si blue naman sa kanyang i-touch. sila na ang apple freak. hahaha. inilabas ko na rin iyung samsung wave ko. hamak naman na mas maganda ang display ng phone ko kesa sa ipad na iyan. hahaha.


kinumusta ko ang dalawa sa pagpunta nila ng cwc. sabi nila na umuulan daw at wala masyadong tao sa wakeboarding kaya pinili nilang mag lago del rey na lang. nabanggit pa ni ike na parang ang mahal daw iyung wakeboarding. (take note, naka i-pad iyan. hahaha) enjoy naman daw sila sa lago del rey at solo daw nila ang buong lugar. dami nga nilang pic eh. kaya lang malapit na daw maubos iyung space ng sd card ng camera nila. sabi nila bili na lang daw sila ng memory card sa cd-r king. sabi ko "sige lang dito na lang ako bantayan ang gamit ninyo. iwan niyo na lang ang i-pad." ayaw sana iwan ni ike ang i-pad niya sa akin. "di ko babasagin iyan." sabi ko.

noong bumalik iyung dalawa tila nag-aaway. iyun pala naiwala ni blue iyung isa pa niyang sd card sa cd-r king habang sinusubukan niya iyung bagong bili. nakalimutan niyang ibalik at naalala lang niya noong nakaalis na sila sa tindahan. siyempre ng balikan nila, wala na. buti na lang daw hindi iyun ang may laman ng mga pics nila sa lago del rey. ibinalik ko kay ike ang i-pad para gawin niya pangpok-pok kay blue. (joke. di mangyayari iyun. hehehe.)

nagsidatingan na din iyung iba pa naming kasamahan. dami din pinamili. merong dalawang malalaking container ng tubig, mga tsitserya, at mga alak. at siyempre dahil akala nila malakas ako, iniabot agad ang isang container na tubig sa akin. bakit kaya di nila ibinigay kay monty iyun eh mas malaki namang hamak ang katawan niya kesa sa akin? kesyo ba baguhan siya sa grupo eh may espesyal tritment? hehehe

pagdating namin sa hotel, pinag-usapan namin iyung gagawin namin bukas. paano kung umuulan pa rin? tuloy pa rin ba? sabi namin, oo naman. adventure nga ito, eh. nag-asign na din kami kung sinu ang unang magigising dahil sa siyam na kami ngayon, mag-aantayan kami sa nag-iisang cr. sabi ni sha siya na lang mauuna dahil matagal daw siyang maligo at magpapatuyo pa siya ng buhok. si cat naman ay maliligo na daw para di na siya maki-agaw sa cr bukas. may iba pang gustong maligo na rin bago matulog kaso lang malamig, eh di nag pass na lang muna.


bago natulog, kaunting (understatement) asaran at harutan. iyung mag-bff, nagtabi na sa ibaba ng bunkbed. maginaw daw. si monty, medyo sumasali na sa usapan. si kenny panay ang ngisi na para bang may maitim na balak. hehehe. si cat merong kausap sa phone na humiwalay pa sa grupo para di marinig. (sino kaya iyun?) si sha, nagsusuklay ng kanyang mahabang buhok ng isang daang beses. at kami namang tatlo nina chef at papa p ay nagpalit na ng pantulog na shorts.

late na din yata kami nakatulog. di ko alam kung sinu ang unang pumikit na kanyang mga mata.

2 comments:

Mu[g]en said...

Wala pa kayo sa Camsur niyan ha! Hehehe kilala ko yata si Ike ah!

Trip said...

hahaha. tiyak kilala mo si ike, ang may-ari ng i-pad.

mga tatlong chapters pa ang isusulat ko tungkol sa camsur. gusto ko na ngang i short cut eh. hehehe

Followers

Popular Posts



Add to Technorati Favorites