Thursday, December 9, 2010

CAMSUR: Flight

ihing-ihi na ako pero di ako makatayo dahil naka-ilaw pa rin ang seatbelt indicator. dapat nakalipad na ang eroplano fifteen minutes ago kaso kinakabahan pa yata dahil umuulan sa dadaanan naming himpapawid. pero naman, tumatayo na ang balahibo ko pati sa ulo dahil sa kumbinasyong lamig ng eroplano at ng likido na gustong gusto ng kumawala sa aking bladder (di ko alam ang ingles niyan). inabala ko na lang ang aking sarili sa paglalaro ng reversi sa aking wave para lang di ko maramdaman ang discomfort.

di ko na yata kaya. bahala na kung masita ng stewardess.  kailangan ko nang tumayo para makaraos. call of nature kaya ito at walang puwedeng makapigil sa akin. tumayo ako at dumiretso sa likuran ng eroplano. nang makita ako ng stewardess na kasalukuyan ng nakaupo para sa take-off, sinenyasan niya ako kung saan ako pupunta at lilipad na daw ang eroplano. itinuro ko ang lavatory (naks) at sinabing ihing-ihi na ako. sabi naman niya na nasa harapan iyung banyo.  about face ako at binilisan ang paglakad papunta sa gloria. meron na namang stewardess na nakaabang. sabi ko di o na mapigilan ang ihi ko. sabi naman niya itatanong daw niya sa pilot kung patake-off na o hindi.


nakita kong inangat ng stewardess ang telepono at nagsalita. di ko naman masyado marinig dahil maingay sa eroplano. nang ibinaba niya ang telepono sabi niya sa akin na maupo na muna at aandar na ang eroplano. dahil sa masunurin ako at dahil ayokong madelay lalo sang paglipad ng eroplano dahil lang sa makasarili kong kaginhawaan, naupo ako sa tapat ng stewardess. buti na lang may bakanteng upuan sa harap dahil kung hindi malayo-layo na naman ang aking lalakarin. pag-upo na pag-upo ko, naramdaman ko nang umusad ang eroplano at mamaya't maya pa, gumulong na ito at lumipad sa himpapawid.

mabagal din bago naipuwesto ng maigi ng piloto ang eroplano sa alapaap. matagal din bago namatay ang seatbelt sign. samantalang iyung pc muscle ko naman ay tumindi ang pagpigil sa aking ihi. tinitingnan ko na ng malagkit iyung stewardess at binabalaan sa isang malagim na pangyayari sakaling di ko na mapigil si mr. hyde. putik, ang taggaaaaal.

puro ulap na ang aking nakikita sa bintana ng narinig ko ang tunog ng kampana. para bang sinasabi ng humayo ka anak at abutin ang landas patungong langit. ano pa nga ba ang magagawa ko kundi kumaripas sa silid ihian. sa loob, inikot ko ang aking paningin. liit talaga ng mga cr sa eroplano. saan kaya pumupunta iyung ihi o tae pag pina-flush iyung inodoro? sa wakas, nailabas ko na rin ang aking hinanakit. flush pa ba ako o hindi? save water (tubig ba naman ba ang ginagamit dito?). malinaw naman ihi ko eh.  di iyan lalanggamin o aamoy. huwag na lang ako mag-flush.


lumabas ako ng cr. iyung mga pasahero ay nakarelax na at medyo nag-uusap usap na sa kanilang mga katabi. dinaanan ko sina cat at sha. nakatingin sa akin si cat na nakangiti at parang may sinasabi. di ko na pinansin at naupo diretso sa aking upuan. katabi ko si chef. at sa kabila naman ng aisle ay si papa p. nakatingin din sila sa akin. nang nakaupo na ako ng maayos saka ko nalaman na ginawan na pala nila ako ng kuwento. inisip nila na nasa cr ako habang nagtitake-off ang eroplano. sabi nila na siguro nakatukod ang kabilaan kong kamay sa dingding ng cr habang umaakyat ang eroplano. o di kaya, takot na takot ako sa loob at hinimatay dahil ang tagal ko na hindi nakabalik sa aking upuan. sinabi ko na lang na wala ako sa loob kundi nakaupo sa harapan.  sabi ko nga sa business class ako nakaupo.

mga 40 minutes pa ang biyahe. nakita ko na merong magazine sa aking harapan. iyun na lang ang binasa ko habang binabaybay ang malubak ng kalangitan. tama nga ang forecast na maulap at umuulan ang panahon. sa naga sabi ay umuulan.  matindi ang alog ng eroplano pero sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon. mas gusto ko pa ito kesa sa barko. pag ganito sa laot, tiyak na masusuka na ako. pero cool lang sa eroplano. pag nag crash, patay agad. hehehe

mabilis nga na dumating kami sa himpapawid ng naga. tumingin ako sa ibaba habang nag-laland ang eroplano. eto ang masarap sa probinsiya, puro green ang matatanaw mo sa paligid ng airport na di tulad sa maynila na puro gusali at maburak na katubigan ng manila bay at laguna lake. takpsilim na rin kahit mga alas-singko pa lang.  pa-disyembre na rin kasi kaya maagang lumulubog ang araw. mapansin ko na medyo pagewang gewang na nag-land ang eroplano. di pa rin ligtas hanggat di pa nakahinto.

malakas ang ulan sa labas.  wala kaming payong dahil naka-checkin lahat pero di naman ako nabahala.  responsibilidad ng airline na hindi mabasa ang kanilang mga pasahero. nang sumilip ako sa labas, nakita ko nang may mga payong na ibinibigay sa mga pasahero. kinuha ko ang iniabot na payong at iniapak sa kauna-unahang pagkataon ang aking mga paa sa lupa ng mga bikolano. tiningnan ko ulit ang kalangitan. sana umiba ang panahon sa susunod na mga araw.

2 comments:

Anonymous said...

bladder=pantog :)

Trip said...

pantog ba? parang bastos. hahaha

Followers

Popular Posts



Add to Technorati Favorites