Monday, December 6, 2010

CAMSUR: Airport

nang makita ako ni kenny papunta sa boarding pass counter na kung saan sila na ang ini-entertain ng ground stewardess, agad niya akong sinalubong. tinanong niya ako ng aking apelyido dahil kelangan daw sa confirmation ng credit card na ginamit sa pagbili ng tiket nila. ibinigay ko naman ang napakahalagang impormasyon na yun.  di bale, alam ko na rin naman iyung sa kanya kaya quits lang. hirap talaga pag sa cyberspace kayo unang nagkakakilala.  hindi lahat ng personal na impormasyon, inilalahad agad. bumalik si kenny sa counter habang kami naman ay pumunta sa pilahan. 

ilang sandali pa, nakita kong papunta sa aming kinaroroonan si kenny. "kelangan daw iyung credit card mismo."  sabi ni kenny. para wala ng problema, ako na ang pumunta sa counter para ipakita ang credit card. naayos naman ang pagbibigay ng boarding pass sa kanila na hindi man lang pinaghinalaan ang katauhan ng aming kasama. kunsabagay, hindi naman importante kung pareho ang pasahero na nakalagay sa tiket. mas importante na tama ang ibinayad sa tiket. kaya, nagkaroon na kami ng kumpyansa na wala kaming mai-encounter na problema sa airport.

nang kami naman ang kukuha ng boarding pass, tinanong kami ng airline crew kung may ipapacheck-in kami.  sabi namin wala. ako naman kasi ay talagang light traveller. sa limang araw na kami ay magaadventure, ang dala ko lang ay iyung shoulder bag na maliit at camera. di naman kasi ako maporma at vain. nakatuwaan nga namin kung ilang kilo ang mga handcarry namin kaya inilagay namin sa kilohan iyung mga bag namin. iyung kay chef at papa p ay parehong 6 kilos at sa akin naman ay 4 kilos lang.


dahil meron pa kaming ilang minuto para mag-board, kumain muna kami. tahimik lang si monty na parang nagmamatyag sa bagong grupo na kasama niya.  ganoon din kami sa kanya.  ang tanging masasabi ko lang ay mukhang mahihiya akong maghubad kasama siya.  parang sasabog ang polo niya dahil iyung mga muscles niya sa dibdib at bicep ay talagang nagmumura. naisip ko, buti na lang totoo iyung mga pics na nakikita namin sa fb niya at lunukin ko na ang pride ko, inggit ako sa katawan niya.  hahaha.

mga 10 minutes bago ng boarding, tumayo na kami at pumasok sa boarding area.  meron pa uling nagcheck ng tiket at id namin pero di na kami kinakabahan para kay monty.  tapos nagbayad kami ng travel tax na 200. (mahal naman) ng dumating kami sa pangalawang xray station, naghubad kami ng tsinelas at inilagay sa plastic container kasama na rin iyung cellphone at belt. ng tumayo ako para sa frisking, sabi ng guard na ilayo ko ang aking dalawang kamay sa katawan ko. sabi ko maluwag shorts ko baka mahulog. napangiti na lang iyung guwardiya.  akala namin diretso na kami iyun pala may problema pa.  iyung bag ko ibinalik sa xray machine para sa second look.

"sir, may dala pala kayong payong at swiss knife.  dapat i-checkin sila." ok lang iyung swiss knife na sitahin pero di ko inakala na pati iyung payong. may dala kasi akong payong dahil alam namin na maulan sa camsur.  nang tiningnan ko mga kasamahan ko, sila din ay may mga payong kaya ayun, pinacheckin na lang namin ang lahat ng payong, swiss knife at tripod sa iisang bag kesa naman na iwan namin iyun sa mga guwardiya na sigurado kaming di na makukuha ulit.

ng ok na ang lahat, pumunta na kami sa boarding area. tamang tama lang ang aming pagdating at nagboboard na ang mga pasahero. sumakay muna kami sa shuttle bago marating ang eroplano na may dalawang propeller.  last time ko na sumakay sa kaparehong eroplano ay ng pumunta kami sa el nido. pero naisip ko rin na mas malaki ito at siguro naman di kasing ingay ng sinakyan namin noon.  bago umakyat piiniktyuran ko muna ang propeller. 

1 comments:

Anonymous said...

ang ganda naman ng backside nung nakapula, sya ba si monty? or ung nakagreen?

Followers

Popular Posts



Add to Technorati Favorites