Monday, October 18, 2010

Overstaying

dalawang magkasunod na gabi ng biyernes at sabado nagkaroon ng inuman sa bahay. noong biyernes kami-kami lang na mag-housemates ang nag-inuman pero noong sabado,  may inimbita na dalawang bisita ang aming bagong housemate.  isang kabarkada niya at isang bagong kakilala na galing sa isang online community.  walang problema ang inuman pero nagkaroon ng dilemma ng papalapit na ang kinaumagahan dahil sa wala yatang balak umuwi ang mga bagong mukha.

dahil sa iyun ang kauna-unahang pagkakataon na magkaroon ng bisita ang aming bagong housemate, di siya marunong umintindi sa kanila, mas lalo na kung paano papauwiin ang mga ito.  ano pa ba ang puwede kung gawin kundi bigyan siya ng mga suhestiyon.

una, sinabi ko sa kanya na sabihin sa kanyang mga panaunahin ito, "napasarap inuman natin ah.  shall we call this a night? ulitin na lang natin ulit baka inaantok na kayo o pagod na kayo."

pangalawa, kung hindi ma-gets ng mga bisita ang ibig niyang ipahiwatig, sabihin niyang, "dito na kayo matulog. may extrang kama doon sa loob ng kuwarto." dahil sa nagsisikipan na kami sa kuwarto, siguro naman mas pipiliin nila ang umuwi. kung hindi pa rin uuwi, manhid na talaga sila o talaga meron pang hinihintay na mangyayari.

pangatlo, sabihin niyang, "saan nga pala kayo umuuwi? di ba malayo pa kayo? tara, hatid ko na lang kayo sa sakayan ng jeep sa labasan. baka abuin pa kayo ng sikat ng araw at kayo ay lumiyab."  ayan, obvious na siguro na pinapauwi na sila. 

pang-apat, kung ayaw pa rin matinag-tinag sa kinauupuan ang mga manhid, magligpit na ng mga bote at kalat ng pinag-inuman.  siguro naman obvious na na tapos na ang inuman at oras na ng uwian.  kung ayaw pa rin, puwede ng sabihin, "inaantok na ako.  sige guys, hatid ko na kayo.  next time ulit."  kapag ayaw pa rin, ito na ang pang-huling hirit.

panglima at panghuling suhestiyon na ibinigay ko sa housemate namin ay ganito. sabihin niyang, "tapos na ang inuman kumbaga tapos na ang party natin.  it's time to play.  tara na, sex na tayo!"  naku, pag di ba naman kumaripas ng takbo ang mga bisita niya eh. iyun nga lang kung straight ang mga iyun, eh paano kung hindi? siya ngayon ang mamomroblema.

so ano ang nangyari? wala. sobrang mahiyain ang aming housemate kaya hanggang unang suhestiyon lang ang kanyang nagawa.  inabot ng alas-singko ang kanyang mga bisita at saka lang umuwi.

sa aking mga karanasan, di pa naman ako nahirapan magpapa-uwi ng mga bisita.  nagamit ko na ang lahat ng mga suhestiyon ko sa itaas. ang iba naman di na kailangan ng unang salita at kusa ng umuuwi.  pero meron talagang nagpapang-abot sa panghuling paraan at kadalasan ayaw pa rin umuwi, kaya ayun tuloy ang ligaya.

p.s. sabi ng kaibigang erik, "singilin mo ng upa!" oo nga ano? sabihin kong "per hour ang bayad ng mga overstaying sa bahay. 15 minutes na lang, overstaying ka na."

8 comments:

Toilet Thoughts said...

naku naku! sige sa susunod na party itetake note ko to. nagpalam pa nmn ako ng overnight. LOL

hondafanboi said...

hmmm...

naalala ko tuloy yung tropa kong landlord. sa sobrang inis na sunod2x ang mga overstaying na guest...

nag print ba naman at pinaskil ang sarili nyang version ng 10 commandments sa gate. lolz

Trip said...

@Toilet Thoughts, dont worry, nagpaalam ka na pala eh. exempted ka na. hahaha

@hondafanboi, naranasan ko na din iyan noong nag bebedspace ako. sandamakmak ang mga rules. isa na doon iyung bawal pumasok sa kuwarto ng bedspacer ang mga bisita. :)

wanderingcommuter said...

dahil ako ba ang nag suggest, hindi mo na ako sisingilin ng upa kapag nag overstaying ako sa makasalanan mong kwarto! hahahaha!

Trip said...

@wanderingcommunter, di kita sisingilin ng cash, in kind na lang. hahaha

Cloud Airheart said...

dapat pala ako ay magbayad na next time, dahil nakakailang tulog na ako sa inyo, ahaha.

kakamiss, magtransient sa inyo. =P

Anonymous said...

Trip, i'm audie. I read in your blog that your a massage therapist. Do you still accept appointments for your massage services? Pwede bang mag pa- appointment? What's the rate? It would be nice if you can accommodate me. My no. is 09178126391, email at " audiemg88@yahoo.com". I hope you can squeeze me in your schedule.

Gorgeous Bitch said...

The most brutal suggestion: Buhusan mo ng isang baldeng muriatic acid, sigurado pati bacteria nila sa katawan magsi uwian ng wala sa oras hehehe...

Followers

Popular Posts



Add to Technorati Favorites