Wednesday, September 15, 2010

Multiple Choice

nakikinig ako kanina sa programa ni del at chico habang papunta ng office ng tumawag sa aking pansin ang isa sa mga "dear ..." sender nila. sabi doon, "sana sa multiple choice na test questions, meron ding 'any of the above'". medyo napangiti na lang ako. naisip ko, ganoon na ba kahirap ang multiple choice na klase ng pagsusuri?

paborito ko ang multiple choice sa exam kasi di ka na masyado mag-iisip. kung di ka sigurado sa isasagot, gagamitan mo na lang ng deductions at tataas na ang probability na tama ang sagot mo. naalala ko tuloy iyung mga karanasan ko ukol dito.
noong highschool ako, naalala ko ang isang grading period na naperfect ko ang dalawang exam namin (pareho iyung titser). siempre nakapag-aral talaga ako, eh nasa star section pa naman ako. ang nangyari natuklasan ko na merong code iyung multiple choice na exam at puro multiple choice pa naman iyun. fifty items, times two pa. ang code diko malilimutan. abbabaabcddcdccd. kung tutuusin, di mo basta basta makukuha ang pattern dahil kung di ka sigurado sa mga sagot mo sa unang labing-anim na items, di mo pa rin makukuha ang code. malas lang ng titser na matalino talaga ako. hehehe. kaunti lang ang naka-perfect sa aming magkaklase noon.

noong iskolar ako ng bayan, di ko akalain na mararanasan ko ulit ito. sa economics ko na subject (isa sa mga pinaka ayoko na subject kahit pa maganda iyung titser), mantakin ba naman nagbigay ng clue ang titser na madali lang ang multiple choice kung kilala daw namin iyung boyfriend niya. pakialam ba namin sa pangalan ng boyfriend niya kahit pa na titser din iyun sa UP. naisip ko kung ano ang ibig niyang sabihin. nang simulan ko ang parte ng multiple choice na 30 items, inisip ko agad iyung sinabi ng titser namin. unang sagot ko ay "a", sunod "b", sumunod ang "c", tapos "a" ulit. napaisip agad ako na kung "b" at "c" ang mga susunod na sagot, siguro may pattern nga ang test na ito. at di ako nagkamali "b" nga ang sumunod kaso sa pang-anim na item di na ako sigurado sa sagot. pero nagtanim sa utak ko ang sinabi ng titser. since dalawa lang naman ang pinagpipilian ko, "c" or "d", ginawa ko ng "c". kaya ganyan ang ginawa ko. a,b, at c na ang inilagay sa mga sumunod na items. resulta? kung di ko na-perfect ang multpiple choice, bagsak ako.

pero hindi lahat ng multiple choice may code o pattern, alam na alam natin iyan. pero isa sa mga tip na nalaman ko noon, never na mag-iwan ng blank sa multiple choice na test dahil sayang naman kung tama ang hula mo. pero iba ang kaso sa UPCAT, kasi "sabi nila" right minus wrong daw iyun. sinabi ko "sabi nila" kasi di ko alam iyun ng kumuha ako ng UPCAT. ang ginawa ko noon, sinagot ko agad ang mga alam ko na items at iniwan panandalian ang di ko alam. magandang strategy iyan di ba? pero ang sa akin kapag di ko na talaga alam ang sagot at malapit na ang time, shade na lang ng shade ang ginawa ko. noong time na iyun kasi naniniwala ako na malakas ang ESP ko. hehehe. siempre pagkatapos ng exam, kuwentuhan kayo ng mga kaibigan mo kung kumusta ang exam. ako naman ipinagmalaki ko na sinagutan ko lahat. noong sinabi ng isa kong kaibigan na right minus wrong iyun, bigla akong tumahimik at isinuko na sa tadhana ang kapalaran ko. nang dumating ang resulta ng UPCAT, pumasa ako. dapat maligaya ako noon pero hindi kasi lahat ng barkada ko na kumuha, bumagsak.

eniweys, iyan ang aking karanasan sa multiple choice. gagawa pa ba ako ng malalim na pag-uunawa tungkol dito? huwag na. ang importante sa lahat ng multiple choices na haharap sa buhay natin at kung hindi lang din naman buhay ang kapalit, huwag hayaan na wala tayong isasagot. tama man iyun o mali, charge to experience na lang. pero kung masyadong mahalaga ang nakataya (right minus wrong), huwag mo nang sagutin. sabi nga "when in doubt, don't". kaso lang, where's the thrill di ba?

1 comments:

Mark Blue said...

MC type of test is also my favorite. :) process of elimintation (deductive)! heheh.. It's even easier as compared to TorF type because most of the tym TorF statements are very tricky, specially pg magaling gumawa ang teacher ng test.. Kahit na alam mo na true eh napaparanoid ka at nghahanap ng mali tlaga sa statement..

Anyway, dati kahit na sinabing ryt minus wrng eh sinasagutan q pa rn lahat kc malay mo dba mahulaan pa. hehe.. and yeah, mas ok pg my thrill! ayun, gumraduate nman aq with gud grades. ;)

Thanks to MC test! pati board exam MC din.. :D

Followers

Popular Posts



Add to Technorati Favorites