Kamote
naalala ko na naman ang header image na gamit ko dito dati sa eccenTRIP? nawala na kasi ang host ng image na iyun at wala na akong kopya sa computer ko kaya wala na akong header ngayon. pero naalala ko na ang ginamit ko na header ay isang puno na namumunga ng pagkain. hindi iyung bunga ng puno mismo kundi mga pagkain tulad ng gulay, iba't ibang klase ng prutas, manok, isda, etc. ang caption doon kung maalala ko pa ay "sana ang lahat ng puno ay namumunga ng pagkain. sana walang nagugutom ngayon."
kaninang umaga, sa almusal napag-usapan namin ang tungkol sa kamote. may binili kasi kami na kamote kahapon sa guadalupe. na-enganyo kaming bumili dahil sa nakita namin na dilaw ang kamoteng iyun at dahil sa dilaw alam namin na masarap at matamis. ng niluto namin, iyung kamote nga ay dilaw ngunit hindi siya iyung inaasahan namin na pagkadilaw. maputla siya sa dilaw at di ganoon katamis. sabi ni HB na matanda na kasi. dinala namin ang kamote ngayong araw para maging part ng small meals namin kasama ng oranges, oatmeal, at iyung supply namin na asado pandesal. eniweys, ang kamote na dala namin ang naging point of entry sa malawak na pag-uusap.
"alam ba ninyo na ang laki ng kahalagahan ng kamote sa mga koreano?" sabi ng kaibigan namin. dahil di naman talaga namin alam kung bakit, ipinagpatuloy niya ang kanyang nalalaman. ang kamote daw ang naging tagatawid ng gutom ng mga koreano noong sinakop ang korea ng mga hapon. sabi pa niya na dahil ang mga hapon ay di kumakain ng kamote, iyun lang daw ang mga tinitira nila sa mga pananim ng mga koreano, iyung iba ninanakaw o kinukuha ng mga hapon. "ayaw lang ng mga hapon na madumihan ang mga kuko nila kaya ganoon." sambit ni HB. naisip ko, bakit hindi? hindi na pinansin ng kaibigan namin iyung sabad ni HB at nagpatuloy na nagsalita. "kaya ngayon, ang kamote sa korea ay pinag-improve ang variety." dagdag pa niya. Sabi ko, "mas bibilib ako sa kanila pag napatubo nila ang kamote sa taas ng lupa."
dahil di pa siguro nagawa iyan ng mga koreano sinabi niya, "alam ba ninyo iyung white potato? iyung ginagamit sa french fries? hindi sa ilalim ng lupa pinapatubo iyun." nagkatinginan kami ni HB sabay tawa. naisip namin na partly tama siya siguro dahil sa pagkaka-alam namin hindi naman tunay na patatas ang gamit sa mga komersiyal na french fries na iyan kaya siguro naisip ng kaibigan namin na hindi galing sa ilalim ng lupa ang patatas na iyun dahil malinis at walang balat. well, malay namin kung sino sa amin ang nagsasabi ng totoo. di na nasundan ang talakayan tungkol sa kamote at patatas kaya natungo sa singapore ang usapan.
iyung kamote na napunta sa patatas ay napunta na din sa kultura, teknolohiya, pederalismo, diktatorya, tourism, etc. sa maiksing oras ng aming almusal, napag-usapan namin iyun. dahil diyan, huwag nating maliitin ang kakayahan ng isang hamak na bagay na magbigay daan patungo sa malaking kaalaman.
abangan pa ang mga susunod na almusal kuwentuhan.


3 comments:
Matagal na akong hindi nakakakain ng kamote. Hehehe! Dahil sa entry mo Kuya Trip, susubukan ko ulit mamaya!
piliin mo iyung yellow na variety. mas masarap at matamis iyun. pampa-lean daw pero ingat sa side-effects. baka layuan ka ng mga tao. hehehe
Trip,
Instead of rice, I eat kamote. Comfort food ko yan kahit noong nasa UAE pa ako.
Nice info on Koreans. Hindi ko alam yun ah. Hehe
Cio
Post a Comment