Pneumono ...
The longest word in the dictionary daw. Pero iyung longest known word ay isang 189,819 letter word. Kaso wala sa dictionary. Paano naman kasi baka kung ilalagay nila, maraming pages ang kakainin niya. Eniweys, iyan ang unang bumulaga sa akin first thing na binuksan ko ang aking computer.
---
Ang init kaninang madaling araw, parang summer lang. Kaya ng nagising ako na pawis na pawis ako. Oo nga pala, wala kaming air-con kaya ganoon. Mahirap lang kasi kami. Hehehe. Pero ok lang din na mainit ang gabi kasi maaga ako nagising. Tapos di na ako tinamad na dumiretso ng shower. Kasi pag malamig, di ako agad pumapasok sa banyo. Nagpapa-init muna ako ng katawan. Uyyy, huwag masyadong malisyoso. Nagwawalis o naglalampaso lang ako ng unit namin.
---
Dami pagkain sa bahay namin ngayon. Mga tira-tira noong nakaraang handaan. Walang fiesta, trip trip lang. Marami kasi sa kasambahay namin na sumubok maging chef kaya ayun nag-experimento. Sa dami ng handa, nag invite na lang tuloy ng mga kakain kasi kung kami lang aabutin ng isang linggo iyun. Mapapanis pa nga siguro dahil kami lahat sa bahay ay health conscious. Hmmm… May naisip ako, Erase, erase.
---
Iyung mga inimbita naming kumain, nabundat yata. Eh medyo mga pinagpala pa mandin sa kalusugan, kaya ayun, nagyaya na maglaro ng badminton. Pero napansin ko lang iyung mga magagaling magbadminton, naging mabagal sila sa kanilang kilos kaya natalo naming. Hehehe. Iyun lang pala ang teknik para manalo. Pakainin. Hahaha. Parang last supper o iyung mga nasa death row. Bago bitayin, pinapakain. Hehehe.
---
Umebs ako kanina sa ofis. Iyung cubicle na pinasukan ko, basa iyung sahig. Pero di naman baha. Naisip ko tuloy iyung nangyari sa Australia na merong pinatalsik na pinoy dahil lang sa nababasa ang sahig ng cubicle na ginagamit niya kapag siya ay nagbabawas. Di ko yata kaya magpatalsik ng tao sa kadahilanang yaon lamang.
---
Balik tayo sa longest word. Bagong word iyan na natutunan ko lately. Alam na ba ninyo iyan? Kung alam na ninyo, anu iyung pinakabagong word na nalaman ninyo o tsinek sa dictionary. Sa akin, iyung word na pinaka-latest na tsinek sa dictionary, maniwala man kayo o hindi ay ang katagang “fabulous”.

