Friday, May 8, 2009

Storm Blaster

While I am comfortably sitting inside our service van this morning, I heard our driver said, “Buti na lang bumangga iyung bagyo sa Sierra Madre kaya sumabog at nawala iyung bagyo.” (It is a good thing that the storm hit the mountains of Sierra Madre that it exploded and vaporized.) That is interesting. I thought to myself. I continued eavesdropping to the conversation. Someone also said about the importance of protecting our mountains. Noble concern, I surmised.

Suddenly, an idea popped out of my mind. I poked at the workmate sitting beside me. “Bakit di na lang umembento ang mga military ng bomba o missile para pasabugin iyung bagyo?” (Can the military just invent a sort of bomb or missile to blow the storm over?) She looked at me seemingly agreeing.

“Ah. Hindi pala dapat. Masyadong delikado baguhin ang takbo ng kalikasan. Baka pag maging matagumpay ang pag-iimbento noon ay biglang gagawa ng panibago at mas lalong mapinsalang kalamidad ang kalikasan. Hayaan na natin magsagupaan ang bundok at ang bagyo.” (Ah. It should not be. It is too difficult to alter the course of nature. If ever the invention would be a success, nature might bring in a new and even destructive calamity. Let the mountain s and storm do their battle.)

I changed my position on the bomb/missile thing thinking that there is no way to change the course of nature. My workmate just looked at me as if trying to decipher what I am saying. Probably she thought I am weird.

Monday, May 4, 2009

Pacman Knelt Down

Nanalo na naman si Pacman. Masaya na naman ang mga Pilipino. Masaya na naman ang mga pulis dahil halos walang krimen na nangyari sa buong kamaynilaan. Masaya din ang mga hukbong sandatahan dahil isang araw silang nakapagpahinga sa kanilang sagupaan sa mga terorista at rebelde. Masaya din ang mga pulitiko dahil may magagamit na naman silang endorser sa kanilang pangangampanya. Masaya na naman ang mga kaibigan at kamag-anak dahil makakatikim na naman sila ng balato. At higit sa lahat, masaya si Aling Dionisia.

May mga tao din na hindi masaya. Unang una ay iyung mga taong gustong makakita ng matagal na sagupaan ng dalawang boksingero. Masyadong maaga kasi natapos ang laban. Hindi rin masaya ang mga advertisers dahil napakaiksi lang ng airtime para sa kanilang mga produkto. Hindi rin masaya ang mga Britons dahil natalo ang kanilang manok ng isang Pilipino. Hindi rin masaya iyung mayabang na trainer ni Hatton. At higit sa lahat, hindi masaya si Hatton.

Eh ako ba, masaya?

Ng malaman ko kahapon na nanalo si Pacman, gusto ko malungkot. Gusto ko malungkot dahil sa kaisipang madadagdagan na naman ng yabang ang pambansang kamao. Maririnig ko na naman iyung ambisyon niya na maging pulitiko. Naiinis ako pero dahil sa nagbigay ng kasiyahan ang kanyang pagka-panalo sa karamihang Pilipino, sige masaya na rin ako. Kaya ayun, pinanood ko ng ilang beses iyung replay at sa kapapanood ko, meron akong napansin.

Matapos na mapatumba ni Pacman si Hitman at ng binuhat iyung una para ipagbunyi, nakita ko ang isang braso. Maputi iyun kaya naisip ko na puti ang nagmamay-ari nito. Ang hintuturo ng brasong iyung ay nakaturo pababa at tila pinabababa si Pacman mula sa pagkabuhat nito. Napatuon ang tingin ni Pacman dito at siya ay bumaba. Ilang segundo lang makikita ng nakaluhod si Pacman sa isang sulok at nagdadasal.

Nakakatawang isipin na kailangan pang paaalahanin si Pacman para magdasal. Kunsabagay, di naman nakakapagtataka kung talagang nakalimutan dahil sa lubos na kasiyahan. Maiintindihan naman siguro iyun. Pero paano naman kung … Huwag na nga lang. Baka ako nga lang iyung nakapansin noon eh.

Anuman iyung nakita ko, sana iyun ay isang natural o karaniwang pangyayari. Napaka-pangit tingnan na ang isang bagay ay isang dula-dulaan lamang lalo na kung ito ay patungkol sa isang kultura. Si Pacman ay isang bayani at modelo ng isang Pilipino na gustong umahon sa kahirapan. Bagamat ang kanyang pamamaraan sa karangyaan ay isang katangi-tangi, ito ay nagiging inspirasyon para sumibol ang isang kaisipan na walang imposible sa isang taong may pagkukusa.

   


Add to Technorati Favorites