Tuesday, April 14, 2009

Susan Boyle, et. al.

It’s too early a day to shed a tear, amigo. Hehehe. Walanghiya kung ikaw ba naman ang makakarinig ng mga ganyang boses eh, di ka kaya naman mapapaiyak niyan? Dadagdagan mo pa na nanggagaling ang boses na iyan sa isang napaka-ordinaryong tao. Truly is, you cannot judge the book by its cover. Hehehe

Narinig ko si Susan Boyle. Isang cuarenta y siete na babae na kung ihahambing mo sa western standard of beauty ay marahil mapapabilang sa mga “pangit”. Pero ang boses, hanep. Parang dinuduyan ka ng isang libo’t isang anghel sa langit. Pina hanga ang mga judges ng “Britain’s Got Talent”. Sabi nga ni Simon Cowell uuwi siya na nakataas noo sa kanilang bayan. Ang sabi ko naman, uuwi na siya na may maraming pera.

Parang ang sama ano? Pero maipagkaila ba natin na madaling pagkakaperahan an gating mga talent? Puhunan kaya ito sa isang maayos na pamumuhay. Tila di maganda isipin dahil ang talent ay isang regalo. Hindi natin ito nabibili kaya di rin dapat ipagbibili. Pero ano ba naman ang magagawa natin kung wala tayong ibang paraan para maitaguyod ang pamumuhay sa mundo na puno pinapatakbo ng materyalismo?

Sa panahon ngayon, kailangan natin maging wais. Hindi naman pantay sa mundo natin eh. Alangan naman makikipag paligsahan ka sa pag-aarte kung ang binibigyang halaga ay ang panlabas na anyo. Di tayo puwedeng mamasukan bilang engineer kung wala tayong kaalaman sa engineering. Kung meron tayong ibang katangian, yun ang alagaan natin at gawing daan sa kaginhawaan. Kung nasa iyo ang kagandahang boses, kumanta ka. Kung nasa iyo ang kagalingan sa pag-sayaw, sumayaw ka. Huwag mong ipilit ang di angkop sa iyo.

Ako, may kakayahan sa visual art, sa design. Ito ngayon ang aking puhunan para madagdagan ang aking kinikita bilang programmer. Di ko na ipinilit na makipag sabayan sa ibang programmers ng opisina. Hinahayaan ko nang makipag bunuan doon ang mga may degree sa kaalaman na iyun. Nagkakaroon na rin ako ng hilig sa pagsusulat kaya eto ngayon, merong limang blogs na minimaintain. Marahil isang talent ko ang pagsusulat na di pa gaanong ini-explore. Gagamitin ko ito para pagkakakitaan sa hinaharap.

Sa pagtuklas ng ating mga kakayahan, marahil marami tayong masasalubong na mga hadlang. Huwag tayo magpapatalo doon. Marahil ang pamumuhay natin sa mundo ay hindi pantay pantay pero kailangan nating isipin na ang buhay ay pantay para sa lahat ng tao. Pilitin nating kilalanin ang ating mga sarili.

Sa mundo ngayon, huwag tayong mag-atubili ipagmalaki kung anu meron tayo o anu tayo. Huwag din natin isasaisip ang mga hadlang na pinaparamdam ng sosyodad sa mga marginal na tao tulad natin. Lahat tayo ay may karapatan, kahit hindi bilang pamamamayan kundi bilang isang katauhan.

   


Add to Technorati Favorites