Twenty-Eight (28)
Breather lang din. Hindi ako nakatanggap ng tag, maliban sa pahiwatig ni McSurf8. Pero parang trip ko lang gumawa din ng mga random things tungkol sa akin. Gusto ko ring subukan kung marami akong mali-list sa maiksing panahon. Doon ko sana ilalagay to sa mapulang blog pero baka ma-temp ako na puro PG, R, X at XXX ang aking maisusulat kaya dito na lang sa puting blog.
1. Naughty boy ako. Parati akong pinapatayo sa klase at naranasan ko na rin ang masampal ng titser. Di ako nagsumbong dahil baka ako pa ang mapagalitan ng magulang ko.
2. Lola’s boy. Laki ako sa lola ko. Kakampi lagi ang lola. Pero ng nag-aral na ako sa kolehiyo isang suwail na apo na ako dahil parati kong kinokontra ang mga pamahiin niya. Pero ako pa rin paborito niya.
3. Karpentero ako noong nakaraang buhay. Unang masterpiece ko ang pabilog na mesa na ginawa ko at gamit naming ngayon sa bahay sa probinsiya.
4. Masahista ako. Iyun ang minana ko sa aking lola na isang chiropractor. Namana ko rin sa kanya ang galing sa siyensiya.
5. Tawag sa akin demolition man. Ako ang taga-ubos ngmga natitirang pagkain sa mesa.
6. Tinawag akong chick boy ng highschool ako hindi dahil marami akong chicks kundi matindi akong pumiyok sa klase. Puberty naman iyun di ba? Chick boy pa rin yata ako ngayon dahil pumipiyok pa rin ako lalo na kung nagtuturo ako.
7. Naging man of the year ako sa opisina namin ng nanalo ako ng national award ng dalawang beses.
8. Isa akong metabolic man dahil sa sobrang bilis ng aking metabolism. Alam na ng mga kaopisina ko kung ano ang aking gagawin pagkatapos ko kumain. Mga 30 minutes lang ang hihintayin nila at makikita na nila na bitbit ko na ang habonera.
9. Columnist ako ng high school. Ang qualifying write-up ko sa school paper ay tungkol sa aking aso.
10. Mr. Poet naman ako ng college. Sa English class kasi mahilig ako gumawa ng reaction paper in verse.
11. Anonymous naman ang tawag sa akin ng titser ko ng binigyan ko siya ng portrait na gawa sa pastel ng kaarawan niya. Nakalimutan kong lagdaan ang painting kaya tawag niya sa akin ay anonymous.
12. Si Van Gogh ang inspirasyon ko sa aking mga painting at si Monet. May mga reproductions akong ginawa batay sa obra nila.
13. Ilonggo ako. Dugay na ako sa manila pero tonto man ako guihapon. Sabi nila may punto pa rin ako. Kapag ginagaya ako magsalita ng ibang tao, mas natutuwa ako. Akala naman nila, naiinis ako.
14. Exhibitionist ako. Mahilig ako maghubad. Di ako nahihiya maghubad. Halos lahat ng picture ko sa internet nakahubad. Sa gym kung hindi pinagbabawal, ako ay naghuhubad. Nag-pose na rin ako ng hubot hubad para sa isang creative photographer at na-exhibit sa Philippine Heritage Library sa Makati Ave.
15. Mountaineer ako. Unang akyat naming ay Banahaw. Naiwan kami ng grupo kaya dalawa lang kami ang umakyat. Kahit first time naming umakyat doon, tuloy lang. Adventure. Muntik na akong makapatay ng tao doon. Naubusan kami ng tubig pababa.
16. Ako daw si Botong. Akala ko iyung national artist, iyun pala iyung character ni Jhong Hilario na Botong sa isang teleserye sa ABS. Kahawig ko daw siya. Ayoko nga.
17. Akala ko psychic ako. Paano naman kasi lapitin ako sa mga supernatural. Meron na nga akong close encounters eh. Meron pa akong scar sa noo ala Harry Potter.
18. Regular guy lang din ako sa kolehiyo noon. Na singko ako sa stat. Nai-exempt din ako sa finals, tulad sa calculus.
19. Classical ako, ibig sabihin mga composition lang ng mga Masters ang kinahihiligan ko na music kahit noong highschool pa lang. Di ako mahilig sa may lyrics na music.
20. Mr. OC din ako. Noong nagbo boarding house ako noon, gumagawa ako ng paraan para maiwasan ang mga makalat na bordmeyts. May sarili akong banyo sa bording house. Ako mismo ang naglilinis.
21. Di ako naging collector ng kahit anong bagay. Nag-try ako mag-collect ng model cars pero nagsawa na din ako.
22. Di ako sentimental na tao. Tawag sa akin ng second to the last girlfriend ko “taong bato”. Iyung pinaka last naman tawag sa akin “bakal boy”. Meron pa bang mas titigas sa bakal?
23. Nahuli na ako at muntik ng ma salvage sa salang jaywalking.
24. Nagsisimba ako pero di ako nangungumpisal sa pari.
25. Skeptic ako. Di ako basta basta mapapaniwala ng tao.
26. Navigator ako. Magaling ako magbasa ng mapa. Magaling sa direksiyon.
27. Practical ako na tao. Sabi nila kuripot.
28. Unconventional ako masyado. I like to break rules. Gusto kong manubok.
Ayan, bente-otso ang nailista ko. Nagbawas na ako niyan kasi baka masyado ng revealing at wala ng misteryo sa mahiwagang mundo ni Trip. Hehehe.

