Birthday Party
image source: Science of Drink
“Tatlong tulugan na lang… apat yata.” Oo nga, tatlong tulugan na lang birthday ko na. Iyan ang status na nakalagay sa Yahoo Messenger ko ngayong araw. First time ko rin na ginawa kong public and birthday ko, sa Internet pa. Eniweys, di yata ako takot nai-publicize birdthday ko.
Yesterday, I am making a list of who I am going to invite on a party I am hosting. Siempre ibang set ng invitees sa bahay, iba din sa work, iba sa kapamilya at iba din sa kapuso. Pero di ibig sabihin na mayaman ako ha. Bawat tao may kanya kanyang style sa pag-celebrate ng birthday. HINT: basahin ang tagline sa heading ng blog na ito. Hahaha.
Kaninang umaga may naka-usap ako sa yahoo. Ito ang napag-usapan naming.
Trey : invited ka pala sa bday ko sa sabado ng gabi.
Cox : I hate you, but at the same time thank you! Saan ang handaan?
Trey : sa bahay lang. kuwentuhan lang. dapat busog na bago pumunta doon. hahaha
Cox : Asus.;0 Saan ba ang bahay mo? Punta agad ako paguwi ko.
Trey : may branch ang bahay ko diyan sa cali. meron din sa jersey. hahaha
Cox : Baliw. Branch ka dyan.
Trey : kung tutuusin worlwide ang branch ng bahay ko. as long as may internet connection ka. at saka YM. hehehe
Cox : Naks naman. Sige. Tignan ko yan sa cam.
Trey : hahaha. parang totoo ah.
Cox : Sa cam nalang nga. Haha!
Trey : pay per view. hahaha
Cox : Sira ulo! Invited ako, tapos payper view! Baka naman paper view?
Trey : sige discounted ka. hahaha
Cox : Baliw!
Trey : di ako baliw. may sayad lang. teka mas ok yata pakinggan ang baliw kesa sa may sayad. Hehehe. baliw na lang.
Cox : Hhaa! Kaw tlaga. Naks namna. Birthday mo na?
Magandang idea nga yata na gawing online ang birthday party ko. Matipid tapos worldwide pa. Tapos bawat tao na invite ko online mag dala na kani-kanilang pagkain. Sila din ang kakain ng pagkain nila. Ibig sabihin kahit malayo mga mahal ko sa buhay sa birthday ko, feeling nandiyan pa rin. Kahit virtual lang. Sayang nga lang, sira ang PC sa probinsiya.
At ngayon naman habang sinusulat ko tong entry ko, nagba-browse ako ng mga recipe kung anu ang ihahanda ko sa aking mga kagimik sa sabado night. Simple lang, tipong pika-pika-chu lang. Importante lang naman iyung atmosphere ng celebration di ba? Good for ten lang ang apartment. Pero ok lang kung sumobra. Sa hallway na lang iyung iba. Hehehe.
Bakit kasi iyung may birthday ang nagti-treat. Doon sa dati kong workplace iyung may birthday ang tini-treat. Walang hassle. Pero siempre tradition na rin natin to. Lalo na iyung pansit. Pampahaba ng buhay. Magluluto ba ako ng pansit? Instant pansit kanton na lang kaya. Hehehe.
Ilang araw na lang. Di naman ako excited. Di lang naman ako papasok bukas at sa biyernes. Maglilinis ng bahay, ng banyo, ng kusina, maggo-grocery. Anu ba lulutuin ko? Hala, tense na yata ako. Pag tense ako, natatae ako. Pag natatae ako, paano na lang sa sabado?
Breath in… Breathe out… (repeat till respiration normalize) ;)



