Joker is Dead
Alam ba ninyo na si Heath Ledger ang gumaganap na Joker sa bagong Batman? Siguro alam na ninyo kung nabasa ninyo ang article sa pagkamatay ni Heath. Sobra namang bata, bente-otso, ni Heath para mamatay agad at meron pang agam agam na suicide iyun dahil sa sleeping pills na nakita sa tabi niya. Nabasa ko nga ang isang comment doon sa news entry na iyun na akala niya mauuna pang mamamatay si Britney Spears. Buhay talaga, di mo masisiguro kung kelan matatapos.
Pero naisip ko, ok ba tapusin ng isang tao ang buhay niya? Nabasa ko yata na kaya nagpakamatay si Marilyn Monroe at James Dean dahil sa ayaw nila makita iyung pagtanda nila. Iyung drugs o substance use ay means lang, pero di iyun ang reason talaga. Siguro gusto nila na nandoon pa rin ang kagandahan ng kanilang kabataan pag ipinasok sila sa ataul nila. Ayaw nila na makita sila ng fans nila na kulubot ang balat. Ganoon din kaya ang reason ni Heath?
Balik tayo kay Britney muna. Weird pero narinig ko na sinabi ni Mo Twister na dapat di buntis si Britney. Maawa daw si Britney doon sa pinagbubuntis niya. Ganoon ba kasama si Britney bilang ina? At iyun nga meron pang nag wiwish na sana siya na lang iyung unang namatay. Nakakatawa, iyung mga gusto ng mga tao na mamamatay ayaw mamatay. Pero iyung di inaasahan eh iyun pa ang natetepok. Ganyan ba talaga? Iyung mga masamang damo mahirap mamamatay?
Sana mag rest in peace na si Heath. Idol ko siya doon sa “A Knight’s Tale”. Napaka-cool niya doon, napaka maharlika na medyo naughty pero may pagka torpe. Sayang talaga.
Sana maging matagumpay ang Batman. Sana for once, MATALO NI JOKER SI DARK KNIGHT. Posible naman iyan di ba? Si Superman nga eh namatay. Oo nga pala, sa cartoons, napatay ni Freeze si Batman. Hehehe.

