Tuesday, August 28, 2007

Asar Ka Naman Adsense

naghanap ako ng pwedeng isulat dito pero wala pa akong maisip. may mga ginagawa kasi akong update sa mga blogs ko. blogS, hindi blog. yabang. hehehe. eniweys, ibinabalik ko kasi iyung mga Adsense ko eh. tagal ko na rin kasing di nachi-check kung magkano na ang pera ko doon. pero, nagulat ako dahil 43.22 US dollars na pala ang naipon ko. lagay mo pa na di ako nakapaglagay ng Adsense doon sa isa kong "in-demand" na blogspot mula ng nagbago ako ng layout. oo na, mas mataas ang pera ninyo kesa sa akin.

kaya abala ako ngayon sa paglalagay ng ads.

pero teka... napansin ko dito sa eccentrip, di yata nababago ang ad. iyun at iyun pa rin. ilang beses ko nang nire-refresh pero ganoon pa rin. what's happening? di kaya di naiintindihan ng Adsense ang Filipino kaya iyung Indonesian ad ang nilalagay niya? at kelan pa naging Indonesian ang Filipino? sige pagpasensiyahan na kita Adsense ha?

sige mag-experimento muna ako. ihahalo ko ang English sa post ko ngayon. tingnan natin kung magiging sensible ang mga ads ng Adsense.

You know Adsense, I have been lifting weights since I was a kid. I used to carry two pails of water on both hands. I think each would weigh 20 lbs. So no wonder that you can see my arms bulging with muscles and veins. harharhar. As for my 6-pack abs, I guess it's all because of the running I made when policemen ran after me because I used to be a huweteng lord. harharhar.

Hoooooppppsss. I never took any supplements. I only down 1000 grams of vitamin C everyday. When I was a kid, I down calamansi because since it spelled with a "C", it's rich with vitamin C. At that age, I am very logical. Don't you think so, Adsense?

o ayan ha? kahit namimilipit ako sa English ko, pinilit ko pa rin para lang magkapera ako bago mag Christmas. gumawa na nga ako ng pitong blogs, di ka pa rin nagko-cooperate sa akin.

sana naman naiintindihan mo na ang isinulat ko. ayoko naman na puro English kasi Pilipino ako. buwan pa ng wika. basta, dapat baguhin mo na ang ads mo para may magkiklik sa iyo. MU tayo ha? mutual understanding baga. sige utilitarian na lang. ayaw? eh di gamitan na lang. hehehe. ganoon naman kasi ngayon ang uso eh. user-friendly na lahat.

o siya. mahaba na naman ito. dapat separate ang bayad nito dahil dedicated sa iyo ang post ko na ito. 14344 Adsense. hug kita, dahil ayaw mo naman ng kiss tulad ng isa diyan. hoooppppsss, batu-batu sa langit, ang tamaan huwag magalit. joke lang po. ;)

Tuesday, August 21, 2007

Isang Araw, este Hapon

kung saan masikip, masarap sumiksik. kaya maraming manyak at minamanyak sa MRT dahil eksayting makipagsiksikan. di mo alam kung ano ang mararamdaman mo. di mo alam kung ano maaamoy mo. di mo alam kung ano makikita mo. di mo alam kung ano ang maririnig mo.

isang araw, este hapon, sa MRT ayala...

"sweetheart, nasa cubao na ako. huwag ka nang magalit, in three minutes nandiyan na ako. promise." sinungaling! ang sabihin mo nasa ayala ka pa lang. pagdating mo doon 20 minutes late ka. anong alibi ang sasabihin mo? nasiraan ang MRT? dami talagang sinungaling ngayon. sige bolero na lang para di masyadong masakit sa tenga. bakit kaya ganito tayo? parating sinasabi na malapit na pero iyun pala milya-milya ang layo.

"huwag mo ng pauupuin. mas mahaba pa ang buhay niyan kesa sa atin." sabi ng katabi ko sa kasama niya. "alam mo ba na ang life expectancy ng babae ay mas mahaba kesa sa ating mga lalaki? hayaan mo na. nagpapa-impress ka lang naman eh. at saka di rin uupo iyan. magugusot ang damit niya." dagdag pa niya. aba may tama siya. ako nga para di naman obyus eh nakapikit na lang. sana marinig siya ng babae at sapakin. hehehe

iyan kasi ang mahirap sa mga babae. meron na silang coach na para sa kanila ah tuloy pa rin sa pakipagsiksikan sa MRT. pagkatapos sa kaunting sagi lang eh titingnan na masama iyung sumagi sa kanya na para bang ang bastos bastos ng sumagi.

hoooopsss. anu iyun? malambot... bumubundol sa braso ko. ahhhh... si misis, iyung dalawang papaya niya nakasandal sa malabakal kong braso. hooopppsss iyung isa, lumusot at sinundot ang malapader kong dibdib. titingnan ko kaya ng masama. huwag... mabait ako... mapagparaya... ok lang na bastusin huwag lang mangbastus...

basta mga misis walang pakialam. ahhh pati mga lola pala. tayo namang mga lalaki walang magawa kahit na parang namomolestiya tayo. paano kasi, babae sila. di naman natin sila pwede masapak. sana naman meron ding miss na walang pakialam. hehehe

huh? anong station na ba? dilim ah. Crossing... bakit ba ang dilim ng station dito? nagbukas ang pintuan. dagsaan ang lumalabas... dagsaan din ang mga pumasok... hmmmmm... naamoy ko iyun ah... meron bang mga paslit na pumasok? kasi alam ko ang amoy na iyan. parang ako ng maliit pa. amoy pawis... ayun... mga highschool boys. galing siguro sa patintero kaya amoy pawis. ok lang. understandable. pero anong amuy iyung dumaan. amuy bayabas na super hinog o sibuyas kaya? pwede ng gawing guava jelly. wow, ganda bubae. pero guava bubae. di bale na lang.

mukhang malayo pa ang cubao. di ko na matiis ang amuy. kung pwede lang sumuka, susuka na ako. pero sayang iyung kinain ko. lunok lang ng lunok. ayan Ortigas na. stopover muna. lipat ng tren.

bukas. labas. hay salamat. pero anu iyun? bakit pumipito iyung sikyu. sinundan ko ng tingin ang tingin ng sikyu. huli ka! isang bagets. nakajaket pumasok sa coach ng mga babae. pogi ah. swerte ng mga bebot sa loob. may eyecandy sila. pero malas din pala kasi hinabol ng sikyu bago sumara ang pinto. nagkasalubong ang tingin namin ni bagets. ngumiti sa akin na di mawari kung nagpapa-cute o nahihiya. di naman niya alam kung lalabas siya o hindi. inayus niya jaket niya. huh???? naku, babaeng lalaki pala. di mapapansin ang boobs dahil sa jaket. pero cute niya. crush ko. nagkatinginan kami ulit. sabay na nag-smile. pahiya iyung sikyu. nagkamot ng ulo. hehehe

umusad na ang tren. galing naman. paano kaya kung magsuot ako ng bra. tapos sakay ako sa pambabae na coach. mapagkamalan kaya ako na babaeng lalaki? arggghhh... sagwa yata. huwag na lang.

isang araw sa MRT, este hapon. nakakatuwa, nakakatawa. puno ng adventure. puno ng katotohanan. weird?

Thursday, August 16, 2007

Bagyo Bagyo Bakit Ka Ginawa?

lahat ng bagay may pinanggalingan. lahat ng nangyayari may dahilan. parang tayo, ipinanganak na may dahilan. kung wala, naku, bumalik ka na lang sa tiyan ng nanay mo. eh, iyung bagyo, bakit nandiyan?

nandiyan ang bagyo para sa mga tamad at antukin na estudyante. at di lang bagyo ang gusto nila. gusto nila baha para walang pasok o di kaya para makapagtampisaw sila sa tubig baha lalo na ang mga batang isip.

nandiyan ang bagyo para mapuno ang mga malls. saan ba naman pupunta ang mga estudyante na iyan kundi sa malls para gastusin nila iyung baon nila sa araw na iyun. kaso lugi ang mga malls. barya lang kasi ang dala ng mga estudyante. high maintenance pa dahil siempre galing sa ulan ang mga ito at siempre tubig at putik ang dala ng mga estudyante.

nandiyan ang bagyo para may bumili ng payong. ako nga napilitan bumili ng payong. at di lang basta basta payong. hard to find na payong pa iyun. mantakin mo, doon pa ako naghanap sa ABC mall sa Tulay para makahanap ng murang payong. inabot ako ng isang oras mahigit sa kaiikot. meron naman payong pero parang mahal yata. sabi ko huwag na lang kaya. kaya lumabas ako. iyun pala sa labas ng mall, merong singkwenta pesos na payong. bumili naman agad ako. ngayon iyung payong, sira. ayan kasi...

nandiyan ang bagyo para sa mga exhibitionist. ako kapag umuulan, lumalabas ako at naliligo. una may suot-suot pa akong t-shirt at short. pag bakat na bakat na sa katawan ko ang t-shirt, huhubarin ko na. siempre iyung mga kapitbahay ko magpipiyesta sa matipuno kong katawan (blog ko to, may k ako magyabang. gawa ka kaya sa iyo?). pero hanggang t-shirt lang ang hinuhubad ko siempre. ano sila, sinuswerte? libre show? hehehe

nandiyan ang bagyo para lumakas ang bentahan ng alcohol. ano ba ang tawag doon sa sakit na nakakamatay na galing sa ihi ng daga? leptospirosis ba iyun? pero nagtataka ako doon sa isa kong housemate, nag-aaply ng alcohol bago lumusong sa baha. ano iyan waterproof? aha! oo nga ano? imbento kaya ako ng waterproof na alcohol? walang aagaw sa idea ko ha? bukas ipapapatent ko iyan. ;)

nandiyan ang bagyo para makatipid sa gastos. kapag may bagyo, nasa bahay lang ako. bababa lang ako para bumili ng tinapay. meron naman akong peanut butter at soya milk. tama na iyun. iyung iba puro instant mami o canton ang inihahain. di nila alam na ang daming msg ng mga iyun. that's bad.

nandiyan ang bagyo para merong trabaho ang PAG-ASA. uy sabi nila accurate na daw ang PAG-ASA. magaling na sila mag-predict ng bagyo kaya, maaga pa declared na na walang pasok. kaya di ko na lang sila asarin. pero bakit estudyante lang ang walang pasok? di ba nababasa ng ulan ang mga propesyonal tulad ko? nagkakasakit din naman kami ah? bakit? big unfair this administration is. hehehe

nandiyan ang bagyo para ... opo, marami pa. kaso di na kelangan isulat lahat dito. sige lagyan na lang natin ng part two next time na may bagyo ulit. pero sa ngayon, tama na muna iyan. sarap matulog pag may bagyo.

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...

Tuesday, August 7, 2007

Bahay Kubo

grabe ang ulan sa labas. umuulan ng aso't pusa. ito na ang matagal na inaantay ng lahat. bagyo! sana nakahanda naman lahat. handa sa baha, sa sakit, sa landslide at iba pang negatibong bagay na dulot ng tag-ulan.

ako boy scout, laging handa. feeling ko nga ngayon healthy na healthy ako. mantakin mo naman, nakapag heavy breakfast ako ng ginisang sardinas na may talbos ng sitaw. nakakain na ba kayo noon? ako first time. ang sarap. parang talbos din pala siya ng sayote. ayan, di na naman kayo nakatikim niyan ano? pagkain ng magsasaka kasi ang mga iyan. kumbaga, pagkain ng mahirap.

ng maliit ako ayoko talaga sa gulay pero ng lumaki na ako katulad ngayon, gusto ko may gulay lagi. kahit na ano. hooooppps. di pala ako masyado kumakain ng talong, sayote, upo at patola. pero siempre naman natikman ko na ang mga iyan. lahat na yata ng gulay sa "bahay kubo", nakain ko. sige kantahin ninyo at mag sesecond voice ako ng "oo, oo at oo naman."

gusto ko sa mga gulay iyung green and leafy vegetables. sabi ng titser ko masagana daw iyun sa bitamina at miniral. dagdagan mo pa ng fiber, pampa-ebs. harharhar

bakit naman gusto ko ng gulay? obvious ba? mura siempre. wala pa siyang fat at cholesterol. kahit saan meron kang makita. mas maganda kung inu-uod ang gulay. iyung uod ng gulay di iyung uod na alam ninyo na. tiyak na organic siya. tanong ko lang po, kinakain ba ninyo ang pagkain kung may makita kayong uod? (oo naman. iyung patay na uod na nahalo sa pagluluto.)

ako, parang ayokong kainin iyun. kaso ng nakita ko sa survivor at fear factor na kinakain nila iyung hilaw na uod, pilit na kinakain ko na rin. iniisip ko na lang ng lasang chicken siya.

oo nga pala, lunch ko gulay pa rin. dalawang putahe pa nga eh. ginisang ampalaya na may itlog at "laswa". hahaha ano ba ang pinagsasabi ko dito? "laswa", kinakain ko? iyung mga ilonggo, alam nila iyun. pinakuluan siya na sitaw, talong, okra, saluyot at takway. dapat may kalabasa din. kung fresh ang mga gulay, matamis siya.

oo nga pala, nagtataka ako kung bakit ang mamahal ng pagkain na binibenta sa mga restoran na kung tutuusin eh puro naman cholesterol, sugar, salty at fat ang mga iyun. mahal na di pa healthy. kaya ako di ako kumakain sa mga iyan eh. gusto ko pa ang luto ni HB. ;)

paano? chowtime na. let's eat healthy!

Thursday, August 2, 2007

Money is gold?

marami akong pera, euro pa. iyun nga lang sa panaginip lang pala iyun kagabi. mukhang di magandang panaginip dahil di naman totoo yun o magiging totoo man lang.

sa panaginip, merong isang egoy, talagang negro. iyung tipong negro na techie doon sa ocean's 11, 12 at 13. siya yun. pero marunong magtagalog. harharhar. bale meron siyang bundle bundle na euro dollars. marami kami sa panaginip. di ko kilala iyung iba. di ko nga alam kung tipong ocean's 11 iyung panaginip na merong ninakaw ng pera. ganito ang siste.

parang nagpupulong-pulong kami. tapos biglang kinuha ng egoy iyung bag na punong puno ng pera. merong lumang pera at meron ding bago o crispy. halo-halo siya na natatalian ng goma yata. tapos binigyan kami ng egoy ng tig-iisang bundle. sabi niya na ipagpapalit namin iyung euro sa piso at gastusin namin sa loob ng iisang araw dahil kung hindi baka mabuko o mahuli kami. ng sinabi niya iyun parang naisip ko sa panaginip na naka iyung pera. pero di ko naramdaman na kasalanan iyung gagawing paggamit doon sa pera.

kaya nag-alisan na ang mga kasama kong binigyan ng pera. tapos nagkita-kita kami sa Market Market sa The Fort. iyung iba kong kasamahan nagamit na iyung pera, sa akin hindi pa. meron pang isa nagkaroon ng problema ng nagpapalit na siya ng pera.

doon sa panaginip parang di masyado active ang role ko. tinanggap ko lang ang pera na di naman nasundan ng eksena kung ginamit ko ba talaga o hindi. para bang ibinitin ako sa isang palaisipan o katanungan kung gagamitin ko ba ang pera sakaling magaganap iyung panaginip sa totoong buhay.

kunsabagay, sa tuwing makakarinig ako ng balita na merong nagsasauli ng pera sa kinauukulang may-ari nito, natatanong ko ang sarili ko kung ganoon din ba kaya ang gagawin ko. siempre, sabi ng konsensiya ko na isasauli ko ang pera. pero ayoko magmalinis dahil kapag nandoon ka na sa sitwasyon, lahat ng temtasyon ay mararamdaman mo. pero ito lang ang masasabi ko. pag walang magki-claim ng pera bakit ko naman i-surrender basta basta iyun. invest ko na lang siguro sa negosyo para makapagbigay ng trabaho sa iba o di kaya ibigay ko ang kalahati sa charity.

kaya lang palagay ko, di ako magkaka-interes masyado sa pera. at saka ang pera wala ring interes sa akin dahil kung meron man, sana mayaman na ako. alam kong marami akong alam na resources pero di talaga ako ganoon ka-ambisyoso. o baka tamad lang talaga ako. pero di rin dahil kung tamad ako, di na ako magtatrabaho at aasa na lang ako sa kapatid ko sa abroad. yun pa, mahal ako noon. kaso ako rin ang tao na ayaw sa utang na loob, kahit kamag-anak pa.

ah basta. di talaga ako mahilig sa pera. kahapon nga eh, nakita kong may kumikinang sa dulo ng jeep. iyun pala bentesingko sentimos. hinayaan ko nga lang kasi sabi ko, hindi lahat ng kumikinang ginto. harharhar

   


Add to Technorati Favorites