Monday, July 30, 2007

Sore Eyes?

sabi nila iyung sore eyes daw lumalabas tuwing summer, tuwing tag-init. kaya ngayong tag-ulan dapat wala na ang sore eyes. pero bakit meron akong nakikitang namumula ang mata kanina sa jeep? aha! extended pala ang tag-init ngayon sabi ng mga dalubhasa sa panahon. PAG-ASA ba tawag sa kanila?

marami din ang nakapansin sa mama kaya lahat nakapikit o di kaya napilitan na lang matulog. pero sabi ko sa sarili ko baka di naman sore eyes kasi di naman siya naka-shades. di naman kasi komo construction worker eh di na kayang bumili noon. ang dami ng murang shades ngayon. kahit iyung ini-endorse ni jericho rosales nga eh mura na rin lang.

paano ba mahawa ng sore eyes? sabi nila direct contact daw. walang problema. di na lang ako lalapit sa kanya. kaya natulog na lang ako sa jeep. mga ilang minuto din yata ako nakaidlip. ng buksan ko ang ang aking mga mata halos wala ng mga tao sa jeep. umusog ako malapit sa babaan. patay! nahawakan ko ang hinawakan ng mamang may sore eyes. paano na lang kung kumati mata ko? ano gagamitin kong pangkamot? wala pa naman akong dalang panyo kasi umulan kahapon. sana huwag kumati.

ng dumating ako sa opis, maaga pa. tiningnan ko kung may sabon pa ako. wala. ok, mag alcohol na lang ako. buti na lang maraming supply ng alcohol ang opisina. pati nga sa bahay, ang alcohol ko supply din ng opisina. halo lagot. parang gobyerno ah. corruption iyun di ba?. eh ano naman ang gagawin ko sa mga excess na alcohol na binibigay sa amin. eh kung tutuusin personal na bagay iyung alcohol. di naman office supplies iyun kaya ok lang na dalhin iyung extra sa bahay. di ko naman binibenta eh. ginagamit naman siya sa dapat na paggamitan. sige, mangatuwiran pa.

ayun, kaya dahil sa alcohol, lumuwag ang pakiramdam ko. di na ako mahahawa ng sore eyes.

pero, paano kung di naman talaga sore eyes iyun? paano kung namula lang iyun dahil sa nasulasok ang mata niya ng kung anong bagay o di kaya nalagyan ng sabon? kawawa naman iyung mama, hinusgahan kaagad. tuloy para siyang may ketong na iniilagan ng tao. pero ok rin siya. di niya ina-alintana kung ano ang sasabihin ng tao dahil sa isang posibleng maliit na bagay. siguro kung ibang tao iyun, iyun bang mga maaarte. siguro kaunting pula lang ng mata eh aabsent na agad sa trabaho. o di kaya magsi-shades na kahit sa loob ng opisina.

iniisip ko lang. paano kung di siya payagan ng boss nila na magtrabaho? paano kung ipilit sa kanya na sore eyes iyun? eh di mawawalan siya ng pera sa araw na ito. ano ang mangyayari sa kanya, sa kanyang pamilya, dahil sa inaakalang sore eyes?

ano kaya ang gagawin ko kung ako ang nasa kalagayan niya?

Monday, July 23, 2007

Billboard

ang aga-aga ka-weirdohan na naman ang nakikita ko sa TV. meron na namang umakyat ng billboard sa Quezon City para magpakamatay. di na balita ito eh. madalas na nangyayari ito at panay naman ang cover ng mga taga-TV. bakit naman kaya ang hilig hilig nila umakyat sa billboard? ano naman kaya ang nakikita nila doon para iyun ang pinipili nila na akyatin? at saka parang wala pa yata akong narinig na talagang tumalon galing ng billboard.

weird nito dahil nakuha pang kuhanan ng TV ang pag-akyat ng mama sa billboard hanggang sa pagbaba at na-interbiyu pa. kumbaga full-coverage ang kanyang stunt. parang nagpaalam yata sa GMA na aakyat siya.

ang kuwento wala daw makakain iyung lalakeng nagtatangkang tumalon. nagugutom na daw siya, tinanggal pa sa trabaho. mas mabuti pa daw ang mamatay. kaya ito naman si Fernando, umeksena. bibigyan daw niya ng trabaho ang mama.

grabe naman ang mga taga-media. di na yata nadala sa style ng mga pinoy. gagawa ng drama para lang makamit ang gusto. nang makita ko sa TV iyung umakyat laking gulat ko. naka-tshirt siya ng umakyat at bumaba pero ng ma-interview eh nakasando na lang. ibinilad ang katawan. pero huwag ka, ang laki ng katawan ng mama. daig pa ako. pati sando na suot niya di ko yata kayang bilhin. pwede siyang sumali sa mossimo bikini open. iyun nga lang kelangan niya siguro ng ilang session kay Calayan. itong mga ganitong tao dapat kinukulong dahil kung tutuusin isang krimen iyung ginawa nila. isang pag ba-blackmail kaya ito.

kung eksaminin natin ang pangyayari, halata namang walang balak tumalon ng lalaki. eh. nagpapapansin lang. kaso sabi nga nila, may obligasyon ang sosyodad na alagaan niya ang kapakanan ng kanyang mamamayan. kaya siempre pipigilan ang mama at bigyan ng katugunan ang kanyang hinaing. meron pang angle na nagpadala ng sulat ang mama sa Wish Ko Lang na programa ng GMA. ang loko marunong talaga kung paano gumawa ng magandang script. palagay ko nag-ojt kay Big Brother ito.

oo nga pala, kelangan ko palang sagutin kung bakit ang billboard sa QC ang paboritong lugar ng mga attempted suicide. una, malapit ito sa mga TV stations. tingnan mo lang naman, mag kasing height lang ng GMA at ABS ang mga billboards na iyan. kaya madali talaga silang magkakakitaan. pangalawa, madaling akyatin. kung sa building kasi, haharangin pa sila ng sikyo sa pagpasok ng building. at siguradong di makikita ang pag-akyat nila. kumbaga kulang sa drama. at pangatlo, maganda ang view. habang inaakyat nila ang billboard masisilayan nila ang magagandang puno at iyung mga models na nakapaskel sa billboard. yun nga lang reverse side makikita nila.

kaya tama lang talaga na tanggalin ang mga billboards na iyan na panukala ni Senador Miriam Defensor Santiago. walang ginawa ang mga billboard na iyan kundi ang magbigay ng malisya o masamang intensiyon sa mga tao at sa mga bagyo.

iniisip ko lang kung ako kaya ang magtangka ng suicide aakyat kaya ako ng billboard at lulundag. bakit di na lang kaya kumuha ng dalawang chopstick at ilalagay sa magkabilaang butas ng ilong. pagkatapos itayo ang mga ito sa mesa at pagkatapos ibaon ang sariling ulo para tumagos ang dalawang chopstick sa utak at makitang umaagos ang utak sa mga ilong. yuuuuck. kadiri. huwag na lang.

paalala lang po. ang pagpapakamatay ay hindi kasagutan sa problema. kung ako sa mama na iyun, sa ganda ng katawan ko, mag macho dancer na lang ako. iyan ang pinaka praktical at realistic na solusyon. harharhar.

Wednesday, July 18, 2007

Tukneneng

alam ba ninyo kung ano ang tukneneng? iyun po iyung kulay orange na itlog na nakikita ninyo na tinitinda sa lahat ng sulok ng metro manila. iyun po ang staple food ng mga construction workers, mga drivers, mga estudyante, mga karaniwang empleyado, at mga tambay. sa madaling salita, mga taong nagtitipid at kuripot.

unang kita ko pa lang nito ay sabi ko sa sarili na hindi ako kakain niyan. una, dahil sa tinitinda siya sa kalye na pinagmumulan ng mga sakit tulad ng hepatitis. pangalawa, dahil sa food coloring na gamit nito na ibig sabihin di maganda sa kalusugan. pangatlo, dahil sa "fried food" ito na nagpapadagdag sa masamang kolestirol ng katawan. at pang-apat, dahil sabi nila na balot daw ang laman nito.

pero bakit naman hindi ako kakain nito? di naman ako mayaman at lalo namang isa akong matipid na nilalang. paano naman po kasi marami pa ako pwedeng kainin na mas mura at masustansiya kesa sa tukneneng. halimbawa, nilagang mani, nilagang itlog, pan de coco, banana que, nilagang mais o di kaya nilagang kamote.

subalit merong isang pagkakataon na nakatuwaan kong i-dare si HB (siya po ay isa sa mga avid fan ng mga strit fud) na ako ang magbabayad ng kakainin niyang tukneneng kung apat ang kanyang kakainin sa isang upuan. di naman siya nag-atubiling di papayag. tinanggap niya ang aking hamon at ako po ay natalo. mantakin ba naman na dahil sa gutom niya nakayanan niya ang kumain ng apat na itlog.

napurnada ang bente otso pesos. kelangan kong bumawi. kaya nagparinig ako. "apat lang kaya mo. ako, kaya ko ang anim." sabay tawa. "talaga lang ha? sige dare!" sinabi naman niya. di niya alam, gutom din ako ng panahon na iyun. hehehe

kumuha ako ng mangkok na binalutan ng plastic. naglagay ng suka at kumuha ng barbeque stick. inumpisahan ko ang kagilagilalas na attempt sa pagkain ng tukneneng. iyung mamang nagtitinda nagtataka dahil alam niya na si HB lang ang suki niya, hindi ako. si HB naman binabantayan akong mabuti na di ako nandadaya. dapat kakainin ko pati ang nakabalot na orange na arina. "oo ba. iyun lang?" sabi ko sa kanya.

di ko alam na pinapanood na pala kami ng ibang kumakain. iyung isa naka-buka ang bibg na tila nagsasabi na "gusto mo ng tulong?" iyung isa naman parang nandidiri sa akin na tila sinasabi na, "siguro di kumain ng ilang araw ang taong ito." dapat siguro pinatawag namin ang guiness at gma 7 bago namin ginawa ito. hehehe

sa madaling salita, natalo si HB sa pustahan. lugi siya sa akin ng katorse pesos. iyun nga lang sigurado akong titigas tae ko nito. kaya kelangan kumain ng talbos ng kamote. hehehe

marahil iniisip ninyo na kung bakit ang taas taas ng pride ko. bakit ayokong magpatalo? di naman siguro mataas ang pride. gusto ko lang i-prove na kung kaya ng iba, kaya ko rin. mas hihigitan ko pa nga eh. basta ang lesson nito kung kaharap ninyo ako, huwag na huwag ninyo akong i-dare. lalo na sa kainan. harharhar

pero advise ko lang sa mga nagbabasa nito. huwag po ninyong gayahin ang ginawa namin. para lang po sa matatakaw at malalakas ang sikmura ang makakagawa nito. dagdag pa na di maganda sa mga taong may mataas na kolestirol sa katawan. maghanap na lang kayo ng ibang libangan. ok ba iyun? ;)

Friday, July 13, 2007

What's my size?

ok ba ang title ng entry ko? siguro excited kayo kung ano size ko ano. sige, pag-usapan natin. hehehe

may nakausap ako sa YM chat. tinanong ako kung saan daw ako bumibili ng mga damit ko. naiisip ko, magandang tanong iyan. naiiba sa mga karaniwang tanong na musta lovelife mo, musta sex life mo, ano ang pinaka huling tripping ko. kung minsan iyung mga trivial na katanungan ang nagpapatanggal ng "boredom" sa isang talakayan. so sa isang simpleng tanong naikot ang aming usapan.

ang paborito kong pinupuntahan kung mamimili ako ng shirt (t-shirt kadalasan iyan), ay ang Bench. jologs ano? pagkatapos ng Bench, pupuntahan ko iyung Human, Oxygen at Lee. sunod-sunod iyan according sa preference. pamahal ng pamahal.

dahil sa maliit lang ang frame ko, small na size iyung hinahanap ko. minsan nga extra small pa dahil malalaki ang sizes ng mga ganitong brand. di naman kasi ako nag-susuot ng oversize sa akin. magmukhang hip-hopper ako. (pero inaamin ko dati dumaan ako sa stage na iyan. hehehe) iyung kinukuha kong shirt iyung tamang tama lang sa shoulder line o di kaya iyung mas maiksi. pag sumobra sa shoulder line, ibig sabihin malaki na ang t-shirt sa akin.

FYI: alam ba ninyo kung paano mo malaman ang frame size mo? ganito. hawakan mo ng kamay mo ang iyung wrist. tingnan mo ang distansiya ng middle finger mo at ng thumb. kung di magpang-abot, ibig sabihin large ang frame mo. kung nag-ooverlap ang dalawa, small frame ka. pag nagta-touch lang ang dalawang dulo ng daliri, medium ang frame mo. gets?

pero paano kung wala akong magustuhan na t-shirt na fit na fit sa akin? alam ba ninyo kung saan ako pumupunta? siempre doon sa boy's section. nakakahiya ba? kapag nag-iisip ka pa lang na pupunta doon, siempre parang diyahe. pero kelangan mo lang naman ng kaunting diskarte at drama para di ka ma-oobvious na para sa iyo ang bibilhin mong damit.

unang punta ko sa boy's section, iyung mga sales person nakatingin lahat. para bang iniisip nila kung ano ang gagawin ko doon. mukha namang wala pa akong anak o asawa dahil di naman malaki tiyan ko. (sorry lang sa malalaki ang tiyan kasi halos lahat na mga nag-aasawa lumalaki ang tiyan.) bahala sila kung ano iisipin nila basta pili lang ako ng pili sa rack.

pero ang hirap pala pumili sa boy's section dahil di mo siya pwedeng isukat. siempre malalaman nila na ako pala ang magsusuot. kaya kunyari, itinaas ko ang shirt at kunyari tinitingnan ko. iyun pala sinusukat kong bahagya sa harap ng aking katawan. iyung sales person naman lalapit at magtatanong kung para sa ilang taong gulang ang bibilhin kong t-shirt. siempre ibinigay ko iyung age na posibleng maging singkatawan ko halimbawa, 10 years old na malaking bulas. nag suggest naman siya ng size. ako naman siempre kunyari sumang-ayon. ayun, itinapat ko ulit sa harap ng katawan ko para maisukat. ng di ako ma-convince, ayun bumili ako ng dalawang size. pagdating ng bahay, ayun large pala dapat ang bibilhin ko. kaya ng mga sumunod na punta ko alam ko na ang size sa particular na brand.

malaki din ang diperensiya ng presyo ng t-shirts sa boy's at men's section. mga 100 din kaya laman ako ng boy's section sa department store. kaso maingat ako sa pagpili ng design. eh papaano kung may makakasalubong akog bata na pareho kami ng t-shirt, diyahe. kaya madalas din bumibili ako ng solid colors na wala design.

ayan, small ang size ko. minsan extra small. pero di ibig sabihin na puro na lang small ang sukat sa akin. ang gloves na suot ko ay large. ang sapatos ko 9.5. hindi small iyan ha? hehehe

Sunday, July 8, 2007

Work Station

mabilis mag-isip kapag tahimik ang paligid. tulad ngayon alas 12 na ng hatinggabi at medyo malamig ang panahon. dapat natutulog na ako kaso nawala ang antok ko ng nagising habang nakatulog ako sa panonood ng "Harry Potter and the Goblet of Fire". sa wednesday na pala ang order of the phoenix.

kung mabilis mag-isip pag tahimik, dapat tugma din ang ayos ng iyung pinagtatrabahuan. tulad ko meron akong work station sa condo. isang sulok sa kuwarto na merong laki na 15 sq. ft. ano naman ang mga makikita sa work station ko at mukhang masarap mag-isip at magtrabaho. halika, tunghayan ninyo.

picture lang po ito, walang video. hehehe



isa-isahin natin ang makikita natin sa work station ko. portion lang po iyan. kung ipapakita ko lahat baka akalain ninyo na weird nga ako. :)

unahin na natin ang laptop ko. dell inspiron E1405 po iyan. bigay ng ate ko last year. kung tutuusin kaka-one year lang niya. meron ako dati, personal computer. ayoko dati ng laptop kasi pangit siya gamitin sa mga graphic applications. pero ng nakita ko ang resolution niya, grabe, parang HD (high definition, di hard disk). kita ninyo naman kung gaano katingkad ang display. oo nga pala, maasahan ang dell. ni minsan di pa siya nagloko.

pangalawa, iyung webcam. bahala na kayo maghanap kung saan siya sa picture pero nandiyan siya. di ko parati ginagamit iyan. nasa labas lang siya dahil kausap ko ate ko at nanay ko. minsan ginagamit ko siya sa "alam niyo na". kaso napag sawaan ko na rin. minsan iyung mga regular ko na ka-cam to cam sinasabi kong sira siya pag nag rerequest sila. paano kasi iyun at iyun lang din naman ang gagawin eh. mas ok pa rin iyung cerebral stimulation. hehehe

pag maliwanag may ilaw. siempre may lamp shade ako sa tabi. pag di ka gumamit ng ilaw at mag rely ka lang sa liwanag ng laptop o pc, mas masakit sa mata. tapos mahirap mag type na hindi mo nakikita ang keys. opo, matagal na akong programmer pero di ko pa rin kabisado ang keyboard. sabi ko nga sana kaya na ng utak ko ang pag press ng keys o di kaya may cable na nakakabit sa utak ko at sa processor ng computer para di na kelangan mag type.

iyung maliit na container na may takip na kulay blue ay ang lagayan ko ng whey protein na binabaon ko sa opis. itanong ninyo sa matatanda kung ano tawag diyan at sabihin sa iyo na tupperware. hehehe. naligaw lang siya diyan. siguro mga dalawang buwan na siya diyan. tinatamad pa akong hugasan siya. oo nga pala, di ko na hinuhugasan iyan kasi powder lang naman iyun eh. binubuhos ko sa baso para itimpla. tipid pa ako sa tubig , sabon at oras.

iyung pabilog naman na container ay menthol rub. paboritong pampatulog ni HB. minsan ginagawa niyang alternative sa off lotion. hehehe. mas weird pa yata sa akin yun. pagkatapos mong mag-apply sa katawan, huwag mong ilagay ang kamay mo sa mata mo ha o di kaya doon sa "alam mo na" dahil nga mainit iyan.

sunod naman iyung katabi niyang dispenser. mineral oil ang laman niyan. ginagamit ko sa pagmasahe. unscented iyan kaya applicable sa lahat. iyung mga scented kasi,minsan kumakapit ang amoy sa damit. mahirap matanggal minsan. bayaran po akong masahista pero part time lang. meron naman kasi akong regular na trabaho. kung magmasahe ako, pinipili ko. marami kasing manyak diyan.

meron ding baby oil. maraming gamit iyan. alam ninyo iyan. di ba pang tanggal din iyan ng libag ng mga baby? pero bakit nasa work station ko ang mga pangpa-relax ng katawan? kasi dapat di lang puro trabaho ang inaatupag. dapat may relaxation din. hehehe

at ang panghuli. iyung malaking container na nasa sulok ay multi-vitamins. sige na, advertise na natin ang centrum. iyan ang fuel ko sa araw araw kasama ang 500 mg. ng ascorbic acid. siempre gusto ko maging complete. oo nga pala, nakita ko ang bagong commercial ng centrum. si piolo pascual ang endorser. hahaha. tumaba yata siya sa kaiinom ng centrum. hanggang ngayon di pa siya complete kasi sabi niya "I want to be complete." with complete emotion pa iyan.

sabihin ko pa ba ang mga kable na nakalawit. huwag na. kable lang naman ng pldt iyan. dial-up pa yata iyan. kelan ko ba kinuha ang pic na iyan? ngayon, naka dsl na connection namin. di na siya i looooooooovvvveeee uuuuuuuuuuuuuuuu. 14344 na agad. hahaha

oo nga pala. may mystery object diyan. hulaan ninyo kung ano. ;)

straight yata itong entry ko ngayon. walang ka weirduhan. :)

Thursday, July 5, 2007

Ancient Dance

alam ba ninyo kung bakit ako nawala ng tatlong araw? hulaan ninyo? huwag na pala. baka kung ano naman ang maiisip ninyo sa pinaggagawa ko. hehehe. ako po ay sumayaw. di po solong pagsasayaw at lalong hindi macho dancing. ;) ano naman iyung relevance ng pagsasayaw ko sa blog na ito? dahil po di consistent sa character ko ang pagsasayaw.

kaya ba ng isang autistic ang sumayaw? hindi. kaya ba ng suplado na mapili para sumayaw at irepresent ang buong department sa isang social activity? siempre hindi. kaya ba ng isang taong bato ang sumayaw at gumiling? siempre hindi. eh bakit ako sumayaw? siempre dahil weird ako. hahaha

sa totoo lang, pina-punta muna ako sa isang psychologist ng aming director para matanggal ang pagiging autistic ko kahit tatlong araw lang. eh di ko alam na social therapist din pala ang kumag na iyun at nagawa niyang ma-suppress ang pagiging suplado ko. tapos iyung chief namin, nilublub ako sa kumukulong tubig para lumambot ng sandali ang mga kalamnan ko. ayun lumambot nga ako. at di sila makapaniwala. ako ang pinaka magaling na mananayaw. (siempre buhatin ko na ang sarili kong bangko.)

naniwala naman agad kayo. siempre di na kelangan ang mga binanggit ko sa taas para mapasali ako sa sayaw. alam naman ng mga tao dito iyung likas na mga talento ko. at di lang talent meron ako kundi pati na rin ang confidence at lakas na loob. (translation --> walanghiya)

pero totoo un. sabi ko sa sarili ko na talagang nasa dugo ko na magaling. (kaya ako weird dahil mayabang ako. hehehe) gusto ninyo kung saan pa ako magaling? huwag na muna, kasi dapat sayaw lang ang pag-uusapan natin dito. at sa isang araw na pagpapraktis, nasa top three pa kami at siempre may cash prize.

ayuuuuun. yun pala ang reason kung bakit ako sumayaw eh. dahil may premyo. eh ano ngayon? wala ng libre ngayon. kung magpakita ka ng talent dapat may fee. kaya nga may tinatawag na talent fee eh. kaya practical talaga ako na tao.

oo nga pala. bakit "ancient dance" ang pamagat ng entry na ito? kasi po walang damit ang mga tao noon, kaya walang damit kaming nagsasayaw. hala lagot. sabi ko kanina di ako nag-macho dancing. bakit mga macho dancer lang ba ang sumasayaw na walang damit? hindi ah.

ayan, naguguluhan na kayo. mantakin ba naman na pwede ko namang sabihin sa isang sentence ang entry na ito tulad ng, "ako po ay sumayaw kahit na matigas pa sa bato ang aking katawan." eh sa gusto kong pahabain eh.

kung di ko magugulo isip ninyo, di na ninyo masasabi na weird ako. and there's no point to this blog. hahaha

Sunday, July 1, 2007

Haircut

buwan buwan ako nagpapagupit. buwan buwan gumagastos ako ng 50 pesos para sa manggugupit at 20 pesos para sa tip. oo na, cheap lang ang kaya ko. pero bakit kelangan magpagupit sa david's saloon o di kaya sa ricky reyes o di kaya sa fix ng bench kung nakukuha ko naman ang gupit na gusto ko sa isang karaniwang parlor o barbero lamang. wala namang tatak david o ricky sa buhok mo pagkatapos mo magpagupit, di ba? resibo lang na nagkakahalaga ng 200 pesos pataas. hehehe

sa katunayan nga pala ang daming tao na merong obsesyon sa kanilang buhok. kaya marami na ring lumalabas na pamamaraan sa pag-aayos o pagpapaganda ng buhok. siguro iyun ang asset nila kaya alagang alaga masyado. may shampoo, conditioner, gel at wax pa na ginagamit. di nila alam raket lang angmga iyan. harharhar. siguro kung gawin ko rin iyan, wala na akong gastusin para sa pagkain. ako practical sa mga bagay ukol sa buhok.

una. nagpapagupit ako ng maiksi para kaunting shampoo lang ang magagamit. kung tutuusin once a week lang talaga ako nagsashampoo. di ba bumabaho ang buhok mo? iyan ang sunod na tanong ninyo ano? para ninyo malaman di ko rin alam. paano ko maamoy ang buhok ko eh maiksi nga ang gupit ko. di naman kasing haba ng kay kc concepcion. pero pag sinabi ni baby na magshampoo ka nga, hehehe alam na ninyo ang ibig sabihin niyan. pero araw araw naman ako naliligo ha. twice a day pa.

pangalawa. di ako masyado gumagamit ng gel o wax. siguro kung gagamit man siguro monday or tuesday lang dahil sa pangatlong araw, meron ng natural oil ang buhok ko. isama na ninyo iyung grease o grime (kung meron man) na di natatanggal ng shower. iyung natural oil at grease na iyun ay sapat na para sa pagpapatayo ng buhok ko. para siyang strong hold na wax. hehehe

pangatlo. since di na nagsashampoo at maiksi lang ang aking buhok, tipid na rin sa tubig at oras. ang iba diyan tumatagal ng 30 minutes hanggang isang oras sa banyo dahil diyan at mag coconditioner pa. abala sa ibang tao iyan, lalo na kung may mga kasabay sa pagpasok araw araw.

pang-apat. di na rin ako nagsusuklay. pagkatapos kong maligo. silip sa salamin at halukayin ang aking buhok sa desired style. ung natural oil at grasa ang nagpapasunod sa aking buhok kahit saan ko siya papuntahin. at saka uso na ngayon ang bagong gising look. ;)

at panglima. ayokong manigas na lang bigla dahil sa paggamit ng mga hair products na may formaldehyde. formalin iyan. iyun bang ginagamit pang embalsamo sa patay. basahin ninyo blog ni joyjoy para may idea kayo. ;)

sinong me sabi na weird ako? praktical lang ako. balak ko nga magpakalbo eh pero huwag na. i would let the course of nature to do that. harharhar

at sinisiguro ko sa inyo di ako mabaho. gusto ninyo mag amuyan pa tayo eh;)

   


Add to Technorati Favorites