Weakness
Lahat ng tao may weakness o kahinaan. Kahit ako na tinatawag na “taong may pusong bato” ay merong kahinaan. Pero di ko alam kung ang pagtulo ba ng luha ay isang kahinaan.
Kahapon nanood kami ng “Game Plan”. Hindi iyung “Game Plan” na TV program ha? Iyung kay Dwayne “The Rock” Johnson. Isang pelikula tungkol sa isang egocentric na star football player na biglang binisita ng kanyang walong taong gulang na anak na babae. Walanghiya, grabe pala ang kinikita ng mga professional player na iyan. Nakakalula iyung condo. So ayun, naiba tuloy ang lifestyle ni The Rock. Komedi ang dating.
Pero sa kalagitnaan ng pelikula merong scene na nagging cast sa isang ballet concert si The Rock. Isipin mo sa laking tao ng bida sasayaw ng ballet. Komedi talaga. Pero bakit kaya bigla akong napaluha. Iyun pala naantig ang puso ko ng background music. Di ko alam kung Tchaikovsky iyun basta classical. Sumimple pa ako na umunat at sabay pahid sa luha ko ng aking malalaking braso para di halata. Mantakin ba naman na bigla akong suminghot. Ayun, nilingon ako ng aking kasama at sabay, “Naiyak ka na naman.” Binatukan ko nga. Ang dami-daming tao eh. Lakas pa naman ng boses noon.
Dapat ba akong mahiya? Pakialam ko sa kanila. Naiyak nga iyung mga ka-teammates ni The Rock sa football na nanonood sa concert eh. Mas malalaking damulag naman ang mga yun sa akin. Basta ang alam ko marunong lang ako mag-apreciate ng totoong musiko. Ini-imagine ko kung paano kaya kung manonood ako ng isang full-length na classical o opera concert? Baka mugto ang mata ko sa kaluluha. Hehehe
Eniweys, naisip ko kung problema talaga o nakakahiya sa isang katulad ko ang lumuha sa mga ganitong palabas, lahat ng problema may solusyon. Eh di huwag manood. Hehehe. Huwag. Sayang naman ang mga pagkakataon na iyan.
Eto ang solusyon. Huwag kalimutan ang paghinga. Ibig sabihin, i-regulate o ayusin ang paghinga para mapigilan ang luha. Eto lang ang napansin ko, kapag umiiyak ang tao, nawawala ang kanyang rythym sa paghinga at kapag maibalik ang ritmo na ito, nahihinto din ang pagluluha. Di ba ninyo napansin na maraming hinihimatay sa sobrang pag-iiyak? Iyun po ay dahil sa nauubusan ang supply ng hangin sa utak ng tao. Di po ako doctor. Obserbasyon ko lang iyun. Kaya dahan dahan lang sa mga violent reactions ninyo.
Pero effective iyang solusyon ko. Subukan ninyo. Iyan ang mungkahi ko sa nanay ko dahil sa kanyang matigas na ulo na anak. Ako po iyun. Matigas nga ulo ko pero iyun ay dahil sa laman nito at di dahil sa puro pasaway.
Weakness. Kahinaan. Tingin ko ang pagluluha ay hindi isang weakness. It is just a physiological exercise of the tear glands to check whether the emotional maturity of the person is functional or not. Hahaha. Sabi ko nga sa mga tao, naluluha lang ako para malinis ko ang mota (tama ba iyang term na iyan) o dumi ko sa aking mga mata.
Sa susunod ulit. ;)


8 comments:
i cry in the silence of my room and i think it helps
i call it my bat cave
nice that uve just resurrected lolz
"muta" po hehehe
Buti naman at may update na dito. Nakakamiss kaya ito.
Hhhmmm... kahinaan ba ang pagiyak? I never looked at it that way. Kasi lahat ng tao umiiyak eh.
nice observation about breathing.. so far di pa ako hinimatay he he
yeah, its been while tripper.
i have the same experience. when i thought kurosawa, brocha etc. failed making me cry, came uptown girls (dakota fanning).
huhuhu. for some reasons, i felt bursting into tears.
akala ko ako lang ang weird. Pinagtatawanan kasi ako ng mga prens ko kapag naglalaro ako ng Silent Hill at Resident Evil. Napapaiyak ako palagi.. ang reason ko naman.. SURVIVAL game kaya yun! Isipin mo kung ikaw yung nasa kalagayan nila.. di ba nakakaiyak naman talaga? O di kaya minsan naisip ko paano kung mahal mo sa buhay yung naging zombie?? Kahit pa alam mong zombie na sila.. di ba parang ang hirap nilang patayin? Kung nanay mo kya yun? Mahe headshot mo ba sya?? Kung lola mo?? Kung kapatid mu?? Paano na? Eh papatayin ka nila?? Mag isa ka lang.. at madilim.. san ka pupunta?
Pangalawa.. naniniwala ako na ang pinaka emotional movie na aking napanood ay ang THE SIXTH SENSE. Totoo naman di ba? Maraming beses akong napapaluha dun. Naawa kasi ako dun sa nanay nung bata. HIndi ba kayo naawa? Naawa rin ako kay Bruce Willis.. Totoo naman di ba? Nakakaawa yung mga characters dun?
drama queen, napaiyak din ako sa sixth sense pero iyung pinaka-emotional sa akin na movie ay iyung "Powder". alam mo ba iyun? ;)
uu naman.. yun yung batang anak ng kidlat db? ang tagal na nun ah! Hindi ko nga alam kung bakit amputi puti nya eh.. di ba dapat anak sya ng araw?
maitanong ko lang.. since ang tagal na nun at hindi ko na matandaan... dahil anak sya ng kidlat.. may superpowers ba sya???
@drama queen, napanood ko siya sya sa HBO last year yata. technically speaking, albino siya. pero over develop ang brain niya kaya he can do things beyond normal lalo na ang intelligence. he's a potential energy that in the end he becomes pure energy.
i remember one quote in the film that it in itself made my heart melt. time will come that humanity will supercede technology. something like that. ;)
Post a Comment